Malamig na hangin bumungad sa akin nang bumaba kami ng bus sa harap ng bahay. Idagdag mo pa ang tilaok ng manok at tahol ng aso. Alas-tres pa lang ng madaling araw, ngunit maliwanag na ang buong bahay ng lola ko. “Sa wakas! Nakabalik din dito," wika ni Nanay. Bago pa kami kumatok sa malaking gate ay bumukas na ito at sinalubong kami ni Tito Raul. “Kanina pa kayo?" tanong niya. Umiling si Nanay. “Kababa lang namin ng bus," tugon niya. Kinuha ng tito ko ang maleta na hawak ni Nanay at pumasok na kami sa loob ng bakuran. Pagpasok namin ay nakita namin na abala ang mga tito at tita ko na nagluluto. May malaking kawang nakasalang sa gilid at ang mga tita ko naman ay gumagawa ng suman-bigas. Malaki ang pagmamay-ari na lupa ng lola ko kaya nang magkaroon ng asawa ang mga anak niya ay hinati
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books