Ilang beses akong huminga nang malalim habang nakatayo ako sa harap ng pinto ng kuwarto ni Dylan. Hindi ko alam kung paano lalabas ng kuwarto niya, dahil siguradong makikita ako ng mga katulong at pamilya niya. Bumuntong-hininga ako. “Hays! Bahala na nga!” Binuksan ko ang pinto at sumilip muna ako sa labas kung may tao. Nang makasigurado na akong walang tao ay nagmadali akong lumabas at halos tumakbo ako pababa ng hagdan. Ngunit nang malapit na ako sa baba, nakita ko ang mommy ni Dylan na nakaupo sa malambot na sofa at kausap si Dylan. “s**t!” Yumuko ako habang pababa. Hindi ko alam kung paano haharapin sila. “Good morning!” wika ng mommy ni Dylan. “G-good morning, Tita!” nauutal kong tugon. “Mabuti naman at gising ka na. Sabayan mo kaming kumain ng almusal.” “Busog pa ako,” pagsis