CHAPTER 6

3808 Words
“Hays! Papasok na naman!” bulong ko. Pangalawang araw ko pa lang na papasok sa SPIA, ngunit pakiramdam ko ay isang taon na akong pumasok. Hindi kasi maganda ang unang araw ko kaya tinatamad ako ngayon pumasok. “Hoy, Maria Sienna!” wika ni Mama. Tumingala ako. “Bakit, Ma?” “Hindi mauubos ang kape mo kung nakatitig ka lang diyan.” “Ma, nagpapagising pa nga ako.” “Nakahalumbaba ka sa mesa, paano magigising ang diwa mo?” “Ma, ‘wag n’yo muna ako sermunan baka malasin ako ngayong araw.” “Sus! Dahilan mo.” “Si Mama talaga,” bulong ko. Sinimulan kong higupin ang kape habang kumakain ng pandesal. Hindi nagluto si Mama dahil maaga silang aalis ni Papa ngayon. Nang matapos akong kumain ng almusal ay nagsimula na akong maghanda sa pagpasok. “Maria Sienna, ito ang baon mo.” Inabot sa akin ni Mama ang pera. “Ma, anong mabibili ko sa one hundred pesos?” tanong ko. “Kung wala kang mabili ‘di wala.” “Ang mahal ng pagkain sa SPIA.” “May sardinas diyan dalhin mo para kanin na lang ang bibilhin mo.” Sumimangot ako. “Opo.” “Sige, aalis na kami ng Tatay mo.” “Mag-iingat kayo,”sabi ko. Kinuha ko ang delata na sardinas at naglagay ako sa baunan ng bahaw na kanin. Hindi pa naman ito mapapanis. “Okay na ito.” Nilagay ko sa bag ko ag umalis na ako. Naglalakad ako palabas ay nakasalubong ko si Luther at Jaja na papasok na rin sa school. Nakaramdam ako ng inggit lalo na’t iisa lang ang school na pinapasukan nila. “Sana all na lang talaga,” bulong ko. “Sienna!” tawag ni Jaja. Lumapit ako sa kanila upang sumabay sa paglalakad hanggang sa hintayan ng jeep. “Kumusta kayo?” tanong ko. “Okay naman kami. Sienna, ‘yung pinahahanap ko sa’yo?” tanong ni Jaja. “Malabo akong makakuha ng picture sa mayabang na ‘yon. Alam mo bang sobrang sama ng ugali ng lalake na ‘yon. Walang respeto sa kapwa niya, bully at ubod ng yabang.” “Totoo ba ‘yan?” “Oo, grabe sama ng ugali.” “Sayang naman. Gusto ko pa naman ng autograph niya para may ipagmalaki ako sa mga kaklase ko.” “Hindi siya karapatdapat na maging Idol. Sa sobrang sama ng ugali niya, mahihiya na si Satanas sa kanya.” Tumawa si Luther. “Grabe manlait si Sienna.” Sumimangot ako. “Totoo naman ang sinasabi ko. Swerte n’yo nga at iisa lang ang school n’yo. Ako wala akong kakilala kahit isa. Ang sasama ng ugali ng mga nag-aaral sa SPIA. Lalo na ‘yung mga anak mayaman.” “Narinig ko na nga ang tungkol diyan. Ang dami raw na scholar ang nag-drop out dahil hindi kinaya ang pambubully ng mga high class student,” wika ni Luther. “Sinabi mo pa. Hays! Kalbaryo talaga ang pagpasok ko doon.” “Kaya mo ‘yan,” wika ni Jaja. Pagdating namin sa hintayan ng jeep ay naghiwalay na kami nina Jaja. Sila kasi ay isang tricycle ang sasakyan bago makarating sa school nila. Samantalang ako, jeep ang sasakyan bago makarating sa SPIA. Tulad kahapon, pinagtitinginan ako ng mga estudyante na nakasakay sa jeep. Hindi ko na lang sila pinansin hanggang sa makarating ako sa SPIA. Bago pa ako makarating sa security guard na nakabantay sa gate ay sinuot ko na ang ID. Agad naman akong nakapasok sa loob. Habang naglalakad ako ay may biglang nagbuhos sa akin ng basura. “Ay!” sigaw ko. Narinig ko ang tawanan nila. Tinitigan ko sila ng masama. “Sino ang nagbuhos sa akin ng basura!” sigaw ko sa galit. “Ako? May angal ka?” pataray ng babae. Nanggigil akong lumapit sa kanya. “Bakit mo ako binuhusan ng basura!” “Utos ni Dylan na pahirapan ka.” “Ah, gano’n!” Kinuha ko ang basurahan at binuhos ko rin sa kanya. “Yuck! How dare you!” sigaw niya sa galit. “Sabihin mo diyan sa demonyo mong amo. Hindi ako natatakot sa kanya!” tumalikod ako at naglakad papunta sa school. Hindi pa ako nakakarating sa silid aralan ay may nambabato sa akin. Nang tumapat ako sa isang building ay may bumuhos na pintura sa akin. Nagtawanan silang lahat. “Mabuti nga sa’yo.” “Tang ina talaga!” sigaw ko sa galit. Narinig kong nagtitilian ang mga babae. Nang tumingala ako, nakita ko si Dylan at tatlo niyang kasama na nakatingin sa akin. “How’s your day, Miss Meredith?” pang-asar na tanong ni Dylan. Nagdilim ang paningin ko. Nilapitan ko siya ay sinuntok ko sa mukha. “Ouch!” Nagulat ang mga estudyanteng nakatingin sa akin. “Gago ka!” ubod ng lakas kong sinipa ang balls niya. “Damn! Ouch!” Bumagsak siya kung sana ako hinagisan ng pintura. Nagkaroon tuloy ng pintura ang uniporme at katawan niya. Lumapit sa akin ang tatlong kaibigan niya at hinawakan ako. “Bitawan n’yo ako! Mga hayop kayo!” sigaw ko. “Bitawan n’yo siya!” “Ashley!” sabay nilang sabi. Lumapit sa akin si Ashley. “Sumunod ka sa akin.” Binitawan ako ng tatlong kaibigan ni Dylan. “Ashley, bakit mo ba kinakampihan ang mga scholar na katulad niya?” wika ni Dylan. Sinalubong ni Ashley ng matalim na tingin si Dylan. “Simple lang. Maganda kasi ang ugali nila kaysa sa katulad mong inaabuso ang kapangyarihan.” “Ashley, mas lalong mapapahamak ang babae na ‘yan kung kakampihan mo siya.” Nagulat kaming lahat nang sampalin ni Ashley si Dylan. “I hate you so much!” sabay talikod ni Ashley. Sumunod ako kay Ashley hanggang makarating kami sa female bathroom. “Maligo ka para matanggal ang pintura mo sa katawan.” Inabot niya sa akin ang bagong sabon, shampo at towel. “Bakit mayroon ka nito?” “Kasali kasi ako sa swimming lesson kaya may gamit ako sa locker ko.” “Thank you.” “Maligo ka lang hihingi lang ako ng bagong uniporme mo. Irereport ko rin ang ginawa ni Dylan para makarating sa magulang niya. “Thank you.” “You’re welcome.” Pumasok ako sa cubicle at nagsimulang maligo. “Kahit kailan talaga masyadong papansin ‘yan si Ashley?” narinig kong sabi ng babae sa labas. Hininaan ko ng kaunti ang shower para marinig ko ang sinasabi niya. “Wala ka naman magagawa dahil first love ni Dylan si Ashley. Kahit anong gawin mo hindi ka mapapansin ni Dylan.” “Bwiset talaga si Ashley!” “Gawin na lang natin ang inutos ni Dylan. Pahirapan namin ang scholar na pinagtatanggol ni Ashley.” “Oo, isa pa ang babae na ‘yon. Kabago-bago akala mo kung sinong siga. Humanda talaga siya sa akin kapag nakita ko siya.” Abah! Akala siguro nila hindi ko sila lalabanan. ‘di baleng tanggalan ako ng scholar basta hindi ako papayag na apihin dito. Nang dumating si Ashley ay tapos na akong maligo. Hindi lang isang pares na uniporme ang dala niya kung hindi tatlo. “Sa akin ba lahat ito?” tanong niya. “Oo, para may pamalit ka.” “’Di ba may bayad ‘to?” Tumango siya. “Binili ko ‘yan para may extra kang damit.” “Sobrang bait mo talaga sa akin.” “Wala ‘yon.” Nang kukunin ko ang bag ko ay may mantsa rin ng pintura. “Hays! Lagot ako nito kay Mama,” bulong ko. Pinunasan ko ang bag ko ngunit hindi naalis ang matsa. “Bibigyan na lang kita ng bag,” wika ni Ashley. Umiling ako. “Huwag na! Matatanggal naman siguro ang matsa nito.” “Okay lang, marami akong baga na hindi ko na ginagamit.” “Okay lang talaga!” Namula ang mukha ko nang hawakan niya ang kamay ko at tumingin sa akin. “Magagalit ako sa’yo kapag tinanggihan mo.” “Salamat.” Ngumiti siya. “Pumasok na tayo.” Habang naglalakad kami patungo sa classroom namin. Hindi ko mapigilan na hindi tumingin kay Ashley. Hindi lang siya maganda, sobrang bait niya sa akin. Mahal na yata kita. Hindi maipinta ang mukha ni Dylan nang pumasok kami ni Ashley na magkasama sa loob ng silid. Nasa likod ako ni Ashley at nasa likod ko naman si Dylan. “Hindi pa ako tapos sa’yo,” bulong niya. Lumingon ako sa kanya. “Kumusta? Hindi ba nabugok?” pang-asar akong ngumiti sa kanya. “Son of a b***h!” Dumating ang professor namin kaya nagsimula ng maging seryoso ang mga kaklase ko. Kahit gaano kasama ng mga kaklase ko ay marunong silang matakot sa mga professor lalo na kapag tinatawag sila para sumagot sa tanong. “Sienna, sumabay ka na sa amin na kumain ng lunch,” wika ni Ashley. Oras na kasi ng lunchbreak at natapos na rin ang subjects namin sa umaga. Umiling ako. “May baon ako.” “Okay, eatwell!” wika ni Ashley. Hindi ako umalis ng classroom. Hinintay kong lumabas ang lahat ng mga kakalse ko. Pagkatapos, binuksan ko ang bag ko para kunin ang sardinas na ulam ko at kanina. Ngunit nang buksan ko ang bag ko ay wala ang baon ko. “Nasaan na ang baon ko?” Inalis ko ang lahat ng laman ng bag, ngunit hindi ko nakita ang baon ko. Wala rin sa ilalim ng upuan. “Alam ko nadala ko ‘yon.” “Hinahanap mo ba ang baon mo?” “Ay, kalabaw!” sigaw ko sa gulat. Bigla kasing may sumilip sa binatana at nagsalita. “Nakita mo ang baon ko?” Tumawa siya. “Tanong mo kay Dylan.” Sumimangot ako. “Ayaw niya talaga akong tigilan. Nasaan siya?” “Nandoon sa tapat ng flag pole.” Binitbit ko ang bag ko at pinuntahan ko si Dylan. Nakita ko siyang nakaupo sa ilalim ng puno ng narra. “Hoy! Nasaan ang baon ko?!” “Baon mo? Ewan ko.” “Huwag ka ang magsinungaling. Nasaan ang baon ko!” sigaw ko sa galit. “Okay, ayun kunin mo.” “Tang ina naman!” Nakasabit ang delata na sardinas at ang baon ko na kanin sa taas ng ilaw. Kasing taas ng flag pole ang pinagsabitan. “Gago ka ba? Paano ko makukuha ‘yan?” “Bakit mo sa ako tinatanong? Gusto mong kumain ‘di kunin mo.” Tumawa pa siya ng malakas. “Bwiset talaga!” Nag-isip ako ng paraan para makuha, ngunit hindi ko alam kung paano kukunin. “Masaya ka ba sa ginawa mo!” sigaw ko. “Ano suko ka na ba?” “Okay, gusto mong isabit diyan ang baon ko para pagtawanan ako. Sige, pagbibigyan kita. Isabit mo hanggat gusto mo dahil hindi ko ‘yan kukunin!” tumalikod ako at pumunta sa principal. “Hello, Sir!” “Hello, anong sadya mo Miss Meredith?” “Sir, tanong ko lang po, ganito ba talaga dito sa school n’yo? Kinakawawa ang mga scholar?” Kumunot ang noo niya. “Bakit? May ginawa ba sa’yo?” Tumango ako. “Kaninang binuhos sa akin ang laman ng basurahan at pintura. Ngayon, nilagay nila sa taas ng light pole ang baon ko.” “Sino may gawa niya sa’yo?” “Si Dylan Wyatt Santiago.” “Sandali lang at may tatawagan ako.” Hindi ko alam kung sino ang tinawagan niya, pero narinig kong sinabi niyang tingnan kung totoong nakasabit ang pagkain ko sa light pole. “Miss Meredith, pasensya ka na kung naranasan mong bulihin ng mga estudyante. Huwag kang mag-alala ipapatawag ko ang magulang ni Dylan para mapagsabihan.” “Salamat po.” Tumayo ako at umalis. Bumalik ako sa classroom at tiniis na hindi kumain. Gutom na gutom ako dahil pandesal lang ang kinain ko kaninang umaga. Nang matapos ang oras ng lunch break ay isa-isang bumalik ang mga kaklase ko. “Sienna, kumain ka ba?” tanong ni Ashley. Umiling ako. Kumunot ang noo niya. “Bakit? Ang sabi mo may dala kang baon?” “Ashley, pinagtripan ni Dylan ang baon niya kaya hindi siya nakakain,” wika ni Aira. Pinigilan kong ‘wag umiyak dahil naawa na ako sa sarili ko. “Hindi na talaga siya magbabago,” wika ni Ashley. “Okay lang, isipin ko na lang na diet ako.” “Hindi puwede,” wika ni Ashley. “Ngayon lang naman ito,” sagot ko. Umiling si Ashley. “Andrei!” tawag ni Ashley sa kaibigan ni Dylan. “Bakit Ashley?” “Nagugutom ako puwede mo ba akong ibili sa cafeteria ng dalawang burger at softdrinks?” “Ha? Nakita kitang kumain sa cafeteria kanina.” “Nagugutom ako. Ibili mo ako, please!” Napakamot sa ulo si Andrei. “Sige.” Ngumiti si Ashley. “Thank you.” “Naganti na kita sa kanila,” sabay kindat ni Ashley sa akin. “Thank you.” Sampung minuto lang ay dumating na si Andrei. “Ito na ang pagkain mo.” “Thank you!” Pagkatapos binigay niya sa akin ang pagkain. “Kumain ka na habang wala pa ang professor natin.” “Salamat.” Hindi na ako nag-inarte talagang kinain ko ang burger dahil gutom na ako. “Akala ko ba para sa’yo ang pagkain na binili ko?” halata sa boses niya ang galit. “Kapag sinabi ko bang para kay Sienna, ibibili mo ba ako? Kasalanan ‘yan ng kaibigan mo. Pinagtripan ang pagkain ni Sienna.” Inirapan pa niya si Andrei. “Damn it!” wika ni Andrei. Binilisan ko ang pagkain bago dumating ang professor namin. Kahit paano ay naibsan ang gutom ko. Nang dumating si Dylan ay sinipa niya ang upuan sa galit. Nalaman siguro niya na ipapatawag ang magulang niya. “Bakit kaya nagwawala si Dylan?” narinig kong sabi ng isa kong kaklase. Tinuon ko ang sarili ko sa pakikinig sa professor ko upang baliwain si Dylan. “See you tomorrow!” sabi ng iba kong kaklase. Mabilis kong kinuha ang bag ko upang umalis. Siguradong may masamang balak sa akin si Dylan dahil pinagalitan siya ng principal. Nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas ako ng gate na walang bumubuli sa akin. Habang nag-aabang ako ng jeep ay biglang may humintong kotse sa harap ko. Umatras ako palayo, ngunit nang bumukas ang pinto ay lumabas si Dylan at ang mga kaibigan nito. “Ano bang problema nila?” Nang makasigurado ako na ako ang pakay nila ay tumakbo ako palapit sa security guard. “Sienna!” tawag ni Dylan. Hindi ako nakinig sa kanya. “Manong, ‘wag n’yong palapitin sa akin ‘yan. May masama siyang balak sa akin.” “Sienna, let’s talk,” sabi ni Dylan. “Lokohin mo ang lelang mong panot. Hindi ako makikipag-usap sa’yo!” Nang lumapit si Dylan ay pumasok ako sa loob ng outpost ng security guard, ngunit pumasok rin si Dylan. “Subukan mong lumapit sa akin? Sisipain kita!” Bumuntong-hininga siya. “Shut up! Mag-uusap lang tayo.” “Anong pag-uusapan natin?” “I just want to say sorry!” “Sinabi mo na ‘yan kahapon. Hindi na ako maniniwala sa’yo.” “Please, forgive me.” “Huwag mo akong pinagloloko. Umalis ka na.” “Okay, kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko Kahit shake hands lang.” “Ma’am, Sir! Pagagalitan ako ng OIC kung hindi kayo lalabas diyan,” wika ng security guard. Napilitan akong lumabas. Ang mga kaibigan naman ni Dylan ay nakatayo sa gilid. “Umalis na kayo.” “Bigla akong inakbayan ni Andrei. “Sienna, Sorry!” “Bitawan mo ako!” Tinaas niya ang kamay niya. “Okay!” Nagmasali ako sa paglalakad. Nang makita ko ang jeep na paparating ay pinara ko ito. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ako sinundan ng grupo ni Dylan. “Anong trip ng mga gunggong,” bulong ko. Habang nasa jeep ako, napansin kong nagtatawanan ang kasakay ko. “Ano kaya ang pinagtatawanan nila?” Binaliwala ko ang mga pasahero na hindi mapigilan tumawa hanggang sa makauwi na ako. “Sienna, anong nangyari sa’yo?” tanong ni Kuya Rasco. “Wala naman.” Pagbaba ko pa lang ng bag ko ay dumiretso na ako sa kusina para maghanap ng pagkain. “Mama, tingnan mo si Sienna!” sigaw ni Kuya Rasco. Agad naman na lumapit si Mama. “Bakit anong nangyari sa kanya?” “Tingnan mo siya.” Kumunot ang noo ni Mama. “Maria Sienna, anong nangyari sa buhok mo?” “Buhok ko?” humarap ako sa salamin. Bwiset talaga!” May dalawang malaking uka parehong gilid ng itaas ng tainga ko. Halatang-halata ito at hindi na kayang takpan. “Kaya pala pinagtatawanan ako kanina.” “Sinadya mo talagang gawin ‘yan sa buhok mo para matupad ang pangarapa mong mag gupit lalaki!” galit na sigaw ni Mama. “Ma, hindi ko ito alam. Binuli ako ng kaklase ko.” “Dinamay mo pa ang kaklase mo para matupad ang gusto mo!” galit na sigaw ni Mama. “Ma, idol niya kami ni Kuya Melvin,” wika ni Kuya Rasco. “Bakit ba ayaw n’yo sa akin maniwala?” “Paano kami maniniwala sa’yo? Matagal mo ng kinukulit sa akin na magpagupit ng buhok lalaki,” wika ni Mama. Tumahimik ako. Totoong gusto kong magpagupit lalaki noong magbakasyon, pero hindi ko naman gustong sirain ang buhok ko ng kung sino-sino lang. Humanda kayo sa akin bukas! “Pagkatapos mong kumain ay magpagupit ka na!” wika ni Nanay. “Natupad na rin ang pangarap ni Sienna,” wika ni Kuya. Imbes na matuwa ako ay nakaramdam ako ng inis sa pamilya ko. Hindi nila ako pinaniwalaan kahit nagsasabi naman ako ng totoo. Wala talaga akong kakampi sa pamilya na ito. Inubos ko ang pagkain at dumiretso ako sa barbershop para magpagupit ng panlalaki. “Sienna, bagay pa rin sa’yo kahit maiksi ang gupit. Maliit kasi ang mukha mo kaya bumagay sa’yo,” wika ni Luther. Nagpasama ako sa kanya para tulungan niya ako kung anong gupit ang bagay sa akin. Tumingin ako sa harap ng salamin. “Bakit mukha pa rin akong babae?” inis kong tanong. “Babae ka naman kasi. Lumalabas lang lalo ang charisma mo sa gupit mo.” “Luh! Charisma sa mga babae?” wika ni Luther. “Sa lalaki.” “Yuck! Kadiri!” sagot ko. Dumaan kami sa convinience store upang kumain. “Alam mo, sobrang sama ng ugali talaga ng Dylan na ‘yon,” sabi ko. Kinuwento ko sa kanya ang ginawa sa akin pambubuli ng grupo ni Dylan. “Huwag mo na lang ituloy ang pag-aaral mo kung lagi kang nabubuli.” “Kung hindi ko itutuloy, hihinto ako sa pag-aaral.” “Hindi ka ba kayang tustusan ng pamilya mo?” Tumango ako. “Nagsabay-sabay kasi gastusin kaya hindi nila kaya ngayon. Titiisin ko na lang hanggang makatapos ng kolehiyo ang mga kapatid ko.” “Paano ka?” “May tagapagtanggol naman ako doon.” “Sino?” “Yung kaibigan kong si Ashley. Hindi rin naman hinahayaan ng pricipal ang mga ginagawa nila. Nagkakaroon naman ng agaram aksyon basta magsusumbong lang sa kanila.” “Mag-iingat ka doon.” “Oo, pero naiinggit pa rin ako sa inyo ni Jaja.” “Next year kapag okay na ang financial n’yo doon ka na lang din mag-aral sa pinapasukan namin para malapit.” Tumango. “Oo, para magkakasama na tayo.” Inubos namin ang pagkain bago ako umuwi ng bahay. “Bagay ba sa akin?” tanong ko kay Nanay. Nakatingin pa rin siya sa akin. “Mabuti naman at hindi ka nagmukhang lalaki sa gupit mo,” wika ni Nanay. “Iyon nga ang nakakainis! Hindi ako astig sa buhok ko.” “Last na pagpapagupit mo ng ganyan. Pahabain mo ang buhok mo,” wika ni Mama. “Opo.” Kinabukasan, maaga akong pumasok ng SPIA upang hindi ko maabutan ang mga estudyanteng nakaabang sa akin para bulihin ako. “Miss, masyado ka naman maaga. Ikaw pa lang yata ang estudyante,” wika ng security guard. “Okay lang po ‘yon. Marami kasi akong gagawin ngayon kaya maaga ako.” Binuksan niya ang gate para makapasok ako. Ganito pala dapat ang pasok ko. Wala pang mga estudyante. Kampante akong naglalakad patungo sa classroom namin. Bukas na ang classroom namin kaya pumasok ako sa loob para magbasa-basa. Ilang minuto pa lang akong nagbabasa, narinig kong may kumalabog sa likuran ko. Nilingon ko para malaman kung ano ito. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na may taong nakahiga sa sahig. Natakot ako. “Patay na ba siya?” Kinuha ko ang walis para abutin ang kamay niya. Ayokong hawakan dahil baka dumikit ang finger prints ko at mapagkamalan na ako ang pumatay. “Hoy! Buhay ka pa!” inaabot ko ang braso niya. Hindi ko kilala kung sino ang nakabulagta sa sahig dahil nakatakip ng bimbo ang mukha niya. “Hoy, buhay ka pa?” Hinampas ko ang braso niya. “Hoy!” “Damn it!” sigaw ng lalaki at inalis ang bimpo sa mukha. Nakahinga ako ng maluwag dahil buhay siya, ngunit nang makilala ko kung sino ang nakahiga. Nagsisi ako na mahina ang hampas ko. Sana pala nilakasan ko ang hampas sa kanya. Matalim na tumingin sa akin si Dylan. “Who are you?” “Abah! Sabog pa yata ‘to. Ako si Sienna.” Tumayo siya at tinitigan ako. Nakataas ang kilay ko sa kanya. “Ano? Failed ba ang ginawa n’yong pag-ahit sa buhok ko? Akala niyo hindi bagagay sa akin ang gupit lalaki?” sabi ko. Umiwas siya ng tingin. “Anong pinagsasabi mo?” “Kunwari ka lang hihingi ng story, gusto n’yo lang talagang ahitin ang buhok ko kahapon.” “Wala kang ebidensya kaya ‘wag kang magbintang sa akin.” “Tsk! Sa dami cctv camera dito. Imposibleng walang cctv sa gate.” “Bahala ka sa buhay mo.” Tumayo siya at naglakad palabas. “Mamaya kapag nakaharap ko magulang mo. Sasabihin kong nakatulog ka sa classroom dahil sabog ka.” Huminto siya at lumapit sa akin. “Ulitin mo ang sinabi mo!” Tinakpan ko ang ilong ko. “Paano ko uulitin ang baho ng hininga mo?” “Nalasing lang ako kaya naisip kong dito na lang matulog, pero hindi ako nagdrodroga!” Tinulak ko siya. “Kwento mo sa pagong!” Umupo ako at pinagpatuloy ang pagbabasa. Si Dylan naman ay sinipa ang mga upuan bago umalis. “Gago ka talaga! Pinahihirapan maglinis ang mga janitor,” bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD