CHAPTER 13

3528 Words

“Eww! Couple bracelet. Kadiri!” bulong ko. “Sienna, ikaw? May bracelet ka ba?” tanong ni Andrei. “Hindi ako mahilig sa bracelet,” tugon ko. “Oo nga pala, ayaw mo ng bracelet dahil tom—” Pinanlakihan ko siya ng mata upang pigilan siyang ituloy ang sasabihin niya. “Tomorrow na pala ang last practice natin. Hindi rin naman bagay ang bracelet kapag may costume ka,” dagdag ni Andrei. Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Tanging ang grupo lang ni Dylan ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Kung sakaling malaman ng iba ang totoo, baka layuan na ako ng mga kaklase kong babae—lalo na si Ashley. “Oo, bawal akong magsuot ng kolorete dahil hindi bagay sa character ko sa play natin,” sagot ko. “Ano bang gagawin n’yo bukas?” tanong ni Ashley. Ngumiti si Dice. “Secret.” “Ang daya naman!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD