CHAPTER 33

2388 Words

Alas-sais pa lang ng umaga ay nagising na ako para maghanda sa unang araw ng pagpasok sa trabaho. Hindi ako nakapagbakasyon nang mahaba dahil tinawagan agad ako para magsimula. Gayunpaman, masaya na rin ako dahil makakalimutan ko kahit paano ang mga nangyari sa kasal ni Aira. Paulit-ulit kasing bumabalik sa alaala ko ang naging pag-uusap namin ni Dylan sa hotel. “Sienna, magbabaon ka ba ng pagkain?” tanong ni Mama habang kumakain ako ng almusal. “Hindi na po.” “Sabagay, mukhang libre naman ang pagkain dahil sa hotel ka magtatrabaho.” “Isa sa pinakamagandang hotel sa Pilipinas ang papasukan ko, kaya sana maayos ang pamamalakad ng may-ari nito, lalo na pagdating sa mga empleyado,” sagot ko. “Sana nga… Kumain ka nang marami para hindi ka agad magutom.” “Salamat. Gising na ba si Papa?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD