“Sienna, congrats!” wika ni Ma’am Lorieta ang former Head Manager ng hotel. Magkasabay kaming kumain ngayon ng tanghalian sa cafeteria ng hotel. Libre ang pagkain namin dahil may meal allowance ang bawat empleyado ng kompanya. Puwede rin naman kaming kumain sa buffet na hinahanda sa mga customer, ngunit mas gusto namin dito kumain. Sa apat na araw kong training halos maumay ako sa pagkain nila rito. Kung hindi nga nakakahiya ay baka nagbaon ako ng pagkain. Mas gusto kasi ang luto ni Mama. Huminto ako sa pagkain at tumingin. “Pasado na ba ako sa training ko?” Ngumiti siya. “First day mo pa lang dito ay pasado ka na. Ayoko naman umalis dito na walang kapalit ko,” tugon ni Ma’am Lorieta. Malungkot akong tumingin sa kanya. “Mamimiss ko kayo. Wala ng mabait sa akin dito.” Tumawa siya. “M