CHAPTER 28

3081 Words

Seven years later… “Sienna, sigurado ka ba na babalik ka na ng Pilipinas?” tanong ni Tita Ferl. Si Tita Ferl ang tumulong sa akin upang makapagtapos ng kolehiyo dito sa Singapore. Bagamat hindi naging madali ang lahat sa akin, dahil noong unang dalawang taon ko sa kanila, ako ang naging yaya ng dalawang anak niya. Nang mag-aral ako sa kolehiyo, nag-part-time job ako para may maipangtustos sa pag-aaral at makapagpadala ng kahit kaunting pera sa aking mga magulang. Huminto ako sa paglalagay ng mga damit sa maleta. “Opo, miss ko na ang pamilya ko.” “Sayang naman ang trabaho mo rito. Mas madali kang makakaipon kung dito ka pa rin magtatrabaho,” sabi ni Tita Ferl. Ngumiti ako. “May inalok sa aking trabaho sa Pilipinas. Head Manager sa isang kilalang hotel. Malaki rin ang alok nila. Isa pa,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD