Sa unang pagkakataon, umabsent ako sa klase. Hindi ko nakayanan ang mga masasakit na sinabi sa akin ni Dylan kaya imbes na dumiretso ako sa klase ay umuwi ako. Habang naglalakad ako palabas ng school, narinig ko ang boses ni Arvin. “Sienna!” Hindi ako huminto. Sa halip, mas lalo akong nagmadaling lumabas. Wala na akong pakialam kung makita ako ng ibang estudyante na bagong iyak. Ang importante sa akin ay makaalis ng school. “Sienna, sandali lang!” wika ni Arvin. Paglabas ko ng school. Nakita ko ang sasakyan ni Francis na nakaparada sa gilid ng daan at may kausap siyang isang estudyante na tila pinagtitripan nila. Hindi na ako nakapag-isip ng matino. Lumapit ako sa sasakyan ni Francis at walang paalam akong sumakay sa kotse niya. Nakita naman ni Francis na may pumasok sa sasakyan niya