CHAPTER 24

2814 Words

Nakahalumbaba ako habang nakatingin sa kape na tinimpla ni Mama para sa akin. Kanina ko pa iniisip kung papasok ako sa school o hindi. Gusto ko sanang hindi pumasok ngayon dahil gusto kong dalawin si Dylan sa ospital. “Maria Sienna, bakit hindi mo ginagalaw ang kape mo?” tanong ni Mama. Tumingin ako sa kanya. “Ma, ano kaya kung hindi ako pumasok ngayon?” Kumunot ang noo niya. “May sakit ka ba?” Umiling ako. “Wala naman akong sakit.” “Kung gano’n bakit naisipan mong ‘wag pumasok sa school? Hindi ka naman ganyan.” Bumuntong-hininga ako at ininom ko ang kape. “Gusto kong dalawin sa ospital si Dylan.” “Hindi pa ba siya nakakalabas ng ospital?” Tumango ako. “Malapit na siyang magdalawang linggo sa ospital.” “Kawawa naman siya. Masyado sigurong malala ang naging epekto sa kanya ng nangy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD