“Maria Sienna, kumusta na pala ang kaklase mo na si Dylan?” tanong sa akin ni Mama. Kumunot-noo ako. “Bakit n’yo tinatanong?” sabi ko habang kumakain ako ng tanghalian. Araw ng sabado ngayon kaya nasa bahay lang ako at kakatapos lang maglinis at tumulong sa paglalaba. “Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na sasamahan kita na pumunta sa ospital ngayon?” Huminto ako sa pagkain. “Nakalabas na siya ng ospital.” “Mabuti naman kung gano’n. Maayos na ba siya ngayon?” “Siguro, hindi naman siya palalabasin ng doktor kung hindi pa siya okay.” “Hindi mo ba tinatawagan para kumustahin?” “Bakit ko naman gagawin ‘yon?” “Abah! Hindi ka man lang nag-aalala sa kanya? Dapat pinapakita mo sa kanya ngayon kung gaano siya kahalaga sa’yo para naman hindi ka ayawan. Sige ka, baka hindi na siya tumuloy manligaw sa