Chapter Thirty Nine: Cash Ford's Point of View: "Boplaks ka na nga, shunga shunga ka pa!" Akusa sa akin ni Uno. Hindi ko s'ya tiningnan at nagpatuloy na lamang ako sa paglagok ng iniinom kong beer. "Kain, kain rin, Cash! Mukha ka ng bangkay inamo!" Pang aasar naman sa akin ni Harold. "Hayaan mo s'yang huwag kumain para hindi na talaga balikan ni Catherine. Sinong babae ba ang gugustuhin ang buto't balat na lang? Maputla pa, lasenggo, naninigarilyo---" "Shut up." Putol ko sa sinasabi n'ya. Nilingon ko si Shivan at tinitigan ko s'ya nang masama. "Kumakain na ulit ako nang maayos, kailangan kong magpaganda ulit ng katawan. Plano kong akitin na lang si Catherine. Kung hindi madadaan sa santong dasalan, might as well seduce her." Nanliit ang mga mata nila sa akin. "Wow, hanep na ang b