Chapter Forty One: "Kawawa naman 'yang pala-pulsuhan mo baby ko. May pasa na," kunyari ay may pakielam na sabi sa akin ni Pink. Hindi ako nagsalita. Nanatili akong tahimik habang hinahaplos n'ya ang pala-pulsuhan ko. Pang-limang araw ko na itong nakatali kaya talagang magkakapasa iyan. "Aalisin ko na muna 'to, ha? Kailangan kasi maayos ka kapag humarap tayo sa korte. Pero dapat behave ka lang, ha?" Bigla akong nagkaroon ng pag asa. Baka makatakas na ako dito kung aalisin n'ya iyong pagkakatali n'ya sa akin! Hindi pa rin ako nagsalita habang inaalis n'ya iyong tali sa aking kamay. Pagkaalis na pagkaalis n'ya ng tali sa kabilang kamay ko ay agad ko s'yang sinapak sa mukha. "Ah! Sabi ko behave ka lang, eh!" Galit na hinawakan n'ya ang mukha n'ya. Hindi ko na s'ya hinintay na maka-reco