Chapter Forty Two: Malakas ang loob n'ya. Iyon ang napansin ko pagkapasok namin sa loob dahil masyadong malawak at malaki ang bahay n'ya. "You are confident, ha?" Pang aasar ko sa kanya. "Of course, kasi wala naman dito si Catherine," sagot n'ya sabay kibit balikat. "Let's see," I said. Nagkalingunan kami ni Lisa at tila nabasa n'ya rin ang iniisip ko. Lumiko s'ya sa kanan at ako naman ay umakyat sa hagdan. "Maghihiwalay pa talaga kayo, ha?" medyo naiinis na sabi ni Pink. Napansin kong sumunod s'ya kay Lisa kaya nagmadali akong tumakbo paakyat sa taas. Sa second floor ay pinagbubuksan ko ang lahat ng pinto. Binilisan ko ang paghahanap. Nang wala akong makita ay tumakbo ako papunta sa third floor. Alam kong may plano si Pink, kasi kung wala. Hindi n'ya kami papapasukin dito. Nang ma