Chapter Forty Three: Gorgeous Catherine's Point of View: Patuloy na umaagos ang mga luha sa aking mga mata. Nakatakip ang bibig ko ng panyo, ang mga kamay ko ay iginapos rin ni Pink. Mula dito sa loob ng kwarto ay nakarinig ako ng iilang putok ng b***l. Mahina lang iyon dahil soundproof ang kwartong ito. Kinakabahan ako habang patuloy ang pag-hikbi. Alam kong may tutulong na sa akin pero mukhang inunahan ng b***l ni Pink iyon! Bakit n'ya ba ginagawa ito? Kung obssession lang dahil sa akin, sobra naman na yata! Mayamaya pa ay narinig ko ang sirena ng pulis. Biglang guminhawa ang pakiramdam ko, unti unti na rin akong nagkapag asa. Malakas na kumalabog ang pinto dahilan para mapa-piksi ako. Sinubukan ko ng sumigaw, iginalaw galaw ko na rin ang katawan ko. Sana ay marinig ako ng kung sin