Chapter Forty Four: "Bakit hindi pa rin s'ya nagigising?" Nag aalalang tanong ko sa doctor. Nilingon kong muli si Cash na ngayon ay mahimbing na natutulog pa rin. "Hindi ko alam, dapat gising na s'ya ngayon. Isang araw na ang lumipas," sagot ng doctor. "Marahil ay stress o pagod ang pasyente kaya hindi pa s'ya nagigising." Nagsitanguan kami sa naging sagot ng doctor. Pagkatapos naming kausapin ang doctor ay sakto namang pumasok si daddy kasama iyong pulis na nag-hahanap kay Pink. "Hindi pa rin po namin nakikita si mr. Nievara. Marahil ay may mga koneksyon s'ya kaya nahihirapan rin kaming matunton ang kinaroroonan n'ya." Bigla nag init ang ulo ko. Hanggang ngayon ay hindi parin makita si Pink kaya dapat na doble ingat pa rin ang gawin namin. Naupo ako sa silyang katabi ng kama ni Cas