Chapter Twenty Nine: Nanginig ang buong katawan ko nang bumagsak ang katawan ni Ulysses sa likuran ko. Hinawakan n'ya iyong balikat ko at hinila ako hanggang sa mahulog kami sa sahig. Sunod sunod na mga putok ng b***l ang tumama sa glass window ng opisina ni daddy. Rinig na rinig ko iyon. Halos hindi ako makahinga, hindi ko magawang sumigaw dahil sa nangyayari. Bahagyang guminhawa lamang ang pakiramdam ko 'nong may iilang empleyado ang nagsigawan mula sa labas at bumukas ang pinto ng opisina. Lumabas mula doon iyong bodyguard ni ni-hire ni dad at may hawak na b***l. "A-ayos ka lang ba miss?" Nanginginig na tanong sa akin ni Ulysses. Doon ko lang na-realized na nakahawak ako ng mahigpit sa braso ni Ulysses. Nanlaki ang mga mata ko 'nong makita kong puno ng dugo ang kaliwang braso n'ya.