Chapter Thirty-One:

1510 Words

Chapter Thirty One: Nakailang pabalik balik na ako sa loob ng bahay. Nalinis ko na rin ang buong bahay, nakapagluto na ako ng hapunan pero hindi pa rin natitigil itong utak ko kakaisip ng kung ano ano. Nag aalala ako para kay Ulysses. Kagabi kasi hindi manlang namin hinintay na matapos iyong pag-tanggal ng bala sa balikat n'ya. Kahit pa sinabi na sa akin na ayos na si secretary Ulysse ay nag aalala pa rin ako. Kasi syempre, s'ya ang nagligtas sa buhay ko! Inayos ko ang sintas ng sapatos ko at saka lumabas ng kwarto. "Ma'am, saan po kayo pupunta? Naku, hindi papayag si sir Cash kapag umalis po kayo!" Nag aalalang tanong sa akin ni Gaile, iyong kasambahay na ni-hire ni Cash para samahan ako sa loob ng bahay. "Sa secretary ko. Huwag kang mag alala, isasama ko iyong tatlong body guards!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD