Chapter Twenty: "Ginawa n'ya `yon?!" Gulat na tanong sa akin ni Lisa nang i-kwento ko sa kanya kung anong nangyari. "Oo, seryoso ako, ginawa n'ya yun kagabi." Matamlay na sagot ko. Pagkatapos kasi ng nangyari ay dumiretso ako sa opisina ni Lisa. Ayoko namang umuwi ng bahay dahil ayokong i-damay sila mommy at daddy sa away namin ni Cash. Nakailang tawag na sa akin si Cash kanina pa, pero ni-rereject ko lang iyon hanggang sa mag-shut down na 'yung phone ko. "Grabe! Hanggang ngayon ba, babaero pa rin s'ya?! Hindi ba s'ya makuntento sa'yo?!" Sumimangot ako at napayuko. Hindi talaga s'ya makukuntento sa'kin, kasi wala namang nangyayari sa aming dalawa. "I mean, ang sexy sexy mo na. Virgin ka pa 'nong kinasal kayo tapos--OMG! Wala pang nangyayari sa inyo?!" Gulat na tanong n'ya. Mukhang