Chapter Nineteen: Gorgeous Catherine's Point of View: Shit. Ano `to? Malambot at saka may pagkamatigas. Pinisil ko iyon at nagulat ako nang umungol si Cash. Nangunot ang noo ko at agad kong tiningnan iyong hawak ko. Nanlaki ang mga mata ko kung saan nakahawak iyong kaliwang kamay ko. Shit. Nakakahiya! Dali dali kong inalis yung kamay ko at mabilis pa sa alas kwatrong tumayo. Nag iinit ang pisngi ko sa sobrang kahihiyan. Dire-diretso kong kinuha iyong bag ko at walang tingin kay Cash ay nagsalita ako. "S-sorry...a-ano t-tara na, u-uwi na tayo." Hindi ako mapakali. Nakakainis, bakit sa lahat ng pwede kong mahawakan iyon pa?! Lord, ano po bang nagawa ko 'nong nakaraang buhay ko at pinaparusahan mo ako ng ganito? "C-cath." Lumingon ako sa kanya pero hindi ko tiningnan iyong mga