Chapter Twenty Four: Nagising ako dahil sa may mabigat na kung ano ang nakadagan sa akin. Nang i-dilat ko ang mga mata ko ay doon ko lang napansin na nakayakap yung braso ni Cash sa bewang ko at nakatanday yung isang hita n'ya sa balakang ko. Hinawakan ko yung kamay n'ya para alisin iyon pero ang bigat ng braso n'ya. "Cash," tawag ko sa kanya. "Mmm?" Kita mo na, gising naman pala eh. "Ang bigat mo," reklamo ko. Pero imbes na alisin n'ya ay pinihit n'ya ako paharap sa kanya. Tumama tuloy yung ulo ko sa dibdib n'ya. Niyakap n'ya ako ng mahigpit `tsaka hinalikan yung ulo ko. "Good morning," he said in a husky tone. Lumagabog ang puso ko. Bakit ganon? Kagabi pa `tong kakaibang pagtibok ng puso ko, ah! Should I consult a doctor? Kakaiba na kasi, baka mamaya may sakit na pala ako. "Wa