Chapter Twenty Five: Gorgeous Catherine's Point of View: "Taga Villafuerte Subdivision pala si Pink? Ngayon ko lang nalaman," sabi ko kay Cash nang nasa kotse na kami. Nagmamaneho s'ya papunta sa BHRC building. Late na kami at siguradong tatanungin kami ng daddy n'ya kung bakit kami late pareho. Pagkarating namin sa BHRC ay sinalubong agad kami ng mga empleyado. Parang hari kung ituring si Cash sa lugar na ito. Kunsabagay lumaki si Cash sa marangyang buhay mas marangya pa sa buhay namin. "You are the C.E.O yet you are two hours late! What kind of---" pinutol ni Cash ang sasabihin ng daddy n'ya. "Late kami kasi pumunta kami sa opisina ni Prosecutor Ty," simpleng sagot ni Cash. Dire-diretsong pumasok kami sa loob ng opisina ni Cash pero natigilan ako dahil nakita ko si dad na nakaupo