Chapter Thirteen: "Sa tingin mo, sino ang may pakana nito?" tanong ko kay Cash. "It's Fredirick," wala sa sariling sabi ni Cash. "S'ya lang naman ang ka-kumpetensya ko sa kumpanya." Nangunot ang noo ko. "Pero `di ba, pinsan mo s'ya?" takang tanong ko. "Kakausapin ko s'ya, kapag hindi s'ya tumigil hindi ako magkakamaling ipakulong s'ya." Umiling ako at hinawakan ang nanginginig na kamay ni Cash. "Pero hindi pa tayo sigurado," komento ko. Pumikit s'ya ng mariin at bumuga ng malalim na hininga. "Let's go," aniya. Binuksan na n'ya iyong makina ng kotse n'ya at saka nagsimula na ulit iyong paandarin. Buong byahe namin ay hindi ako kinakausap ni Cash. Tahimik lang s'yang nagmamaneho at tila malalim ang iniisip. Ayoko s'yang kausapin dahil alam kong magugulo lang iyong utak n'ya. "Is t