Chapter Fourteen: "What is his motive?" tanong ko sa pulis na humawak sa kaso ni dad. "Inutusan lang s'ya, Mr. Brilliantes. Wala s'yang alam sa tunay na motibo. Pero sa pagkakaalam n'ya raw ay hindi balak patayin si Mr. Theodore Brilliantes, tinatakot pa lang daw kayo." Nasapo ko ang sentido ko sa sinabi'ng iyon ni SPO1 Agustin. "Sino ang nag-utos sa kanya?" Bumuntong-hininga si SPO1 Agustin. "Hinanap namin iyong nag-utos sa kanya, pero hindi namin ma-identify ang pangalan na ibinigay n'ya sa amin." Nangunot ang noo ko. "Anong bang pangalan?" "Niko. Nickname lang ang ibinigay sa kanya. Malaki ang ibinayad sa kanyang pera kaya hindi na s'ya nag-alinlangan pang tanggapin ang trabaho. Also, we found out that the riffle he used to shoot your is not registered. Walang lisensya ang b**