Chapter Fifteen: "Seriously? Bakit kailangan, ngayon pa na-flat iyong gulong ng kotse mo? Kaasar!" Inis na sabi ko kay Cash. Paano ba naman kasi, na-flat iyong gulong n'ya at kinailangan pa naming dalhin sa pagawaan. Tapos maghihintay pa raw kami ng 30 minutes hanggang 1 hour dahil wala ng stock ng ganong klaseng gulong at magpapadeliver pa raw sila! Kaasar `di ba? Hindi n'ya ako sinagot. Nagpatuloy s'ya sa paglalakad ng mabilis. Isang hakbang n'ya nga yata ay dalawa na ng sa akin! "Hintayin mo naman ako, Cash!" Pag ako mas nainis pa, iiwanan ko s'ya dito at magtataxi na lang ako papunta kila Lisa. Balak n'ya kasing dumaan daw muna kami sa mall para mamili ng stock sa bahay. Huminto rin naman s'ya sa paglalakad. Mabuti nga at sa wakas ay napansin n'ya na ako. "Ang bagal mong maglak