Chapter Sixteen: Gorgeous Catherine's Point of View: "Ano?!" histerikal na tanong ko kay Cash. Akala ko pa naman, binili n'ya sa akin lahat ng librong dala n'ya dahil sa gusto n'ya. Yun pala, may kapalit! "Tawagin mo `kong baby," simpleng sagot n'ya. Umiling iling ako at inis na tumalikod na sa kanya. Kanina pa talagang umaga itong inis ko sa kanya. Akala ko mababawasan na ang inis ko, pero ngayon mas lalo pa palang nadagdagan! "Hey! Ano na? Tawagin mo na akong baby, o kaya babe, darling. Kahit anong endearment!" Sigaw pa n'ya pero hindi na ako nagsalita. Hindi ko s'ya pinansin at dumiretso na lang ako sa kwarto namin. Pabagsak na sinara ko ang pinto at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Nakakainis! Hindi n'ya ba alam na naiinis na ako sa kanya? Tapos dadagdagan pa n'ya? Pumikit