Chapter Seventeen: Gorgeous Catherine's Point of View: Halos manginig ang kalamnan ko nang makita ang duguan at walang buhay na katawan ni Fredirick sa loob ng sarili n'yang kwarto. Napasandal ako kay Cash, nanginginig ang labi at tuhod ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita! Sinong walang awa ang gagawa nito kay Fred?! "H-hindi s'ya..." Bulong ni Cash na ako lang yata ang nakarinig. Alam kong pinaghihinalaan n'ya si Frederick `nong umpisa, pero ngayong si Fred ang pinatay siguradong hindi s'ya ang may kasalanan. Umiiyak na pinaghahampas ni tita Cassia iyong guard na nagbabantay sa bahay ni Frederick. "Wala kang kwenta! Hindi mo manlang napansin na iba na pala iyong kasamahan mo! Ni boses ba ay hindi mo nahalata?!" histerikal na sigaw ni tita Cassia. Hinagod ni tito Theodore ang lik