Lumipas pa ang mga araw. Nalaman nadin ng mga magulang ko at mga kaibigan pati narin sila Sofie at Nikko na nagbalik na nga ang ala ala ko. Masayang masaya sila at may halong pagtatampo si mama dahil nalaman din nito na ikinasal na agad kami ni Jacob ngunit hindi sa simbahan. Nagpalusot nalang ako sa mama ko dahil ayokong malaman nilang lahat ang totoong sitwasiyon namin ni Jacob. Umaga ng magising ako. Tumingin ako sa tabi ko at wala na si Jacob sa kama. Pumunta saglit ako sa banyo namin at naglamos nag toothbrush narin ako at nag mouthwash. Isinuot ko ang seksing long gown ko na pantulog na kitang kita ang makinis at maputi kong likod. Kulay rosas ito na sadyang lilitaw ang kaputian ko. Bumaba na ako para hanapin ang asawa ko ng makita ko sila ni Bianca na kumakain na sa baba at n