Tumingin sakin si Jacob at lumapit. "Hon kumain ka naba? Gusto mo ipagluto kita?" Umiling nalang ako dito dahil kumain naman na ako. Inayos ko nalang polo niya at ang necktie niya papasok pa kasi ito sa trabaho kaya naman ay bilang may bahay pinagsisilbihan ko ito. Tumikhim si Bianca. "Ako Jacob nagugutom na kami ng anak mo. Ipagluto mo naman kami please." Malanding pagsabi nito. Nagsimula nanamang umarangkada ang pagkamaldita ko at hindi ko hinayaan ang gusto niya. "Ano bang gusto mong kainin?" Sabi ni Jacob. "Ikaw gusto kitang kainin." Sagot naman nito na tila nag echo ng paulit ulit sa tenga ko at humigpit ang mga hawak ko sa necktie ni Jacob. Naramdaman naman iyon agad ng asawa ko kaya naman nagsalita na ito. "Bianca yung seryoso." "Seryoso ako Jacob." Malanding pagkasabi nit