Sofia's POV: "Mahal ayos ka lang? Di mo na ininom yang kape mo malamig na yan." Sabi ko sa asawa ko habang nag uumagahan kami. Ang kambal naman ay nasa sala at busy sa pagkukulay ng kanilang coloring book. 2taon nalang ang aantayin namin at ipapasok na namin sila ni Nikko sa school. Mabilis naman matuto ang kambal kaya hindi kami mahihirapan dito. Lumapit ako sa asawa ko dahil akam kong may problema ito. "Mahal? Anong problema?" Tumingin siya sakin at huminga ng malalim. "Si Jacob tumawag sakin kanina." "Tapos?" Huminga ulit ito ng malalim. "Bumagsak na ang kompanya ni Jacob mahal. Baon na baon na siya sa utang." Nagulat ako sa mga sinabi sakin ng asawa ko. Dahil kilala ko si Jacob at alam kong hindi ito nagpapabaya noon sa kompanya. "Oh my paano na yon? Sino daw ang nakabili