Jacob POV: Tumikhim ako dahil sa nananatiling tahimik lamang ang buong paligid ng pumasok ang kapatid ko. Hindi naman ako tanga kaya inaliw ko na lamang si Sofie. Kailangan ko munang makausap ang kapatid ko. Ano ang ugnayan nila ni Nikko? Napapailing nalang ako at mapaklang ngumiti hindi pa nga natatapos ang problema namin ni Ruby mukhang may panibago nanamang darating. "Ahm Sofie sumama kasi ang pakiramdam ko okay lang ba kung sa ibang araw nalang ulit kayo pumunta ni Nikko?" Naintindihan naman ako ni Sofie at nagpaalam nadin ako kay Nikko. Paalis na ang dalawa at may balak pang sumunod ang kapatid ko kaya napahawak ako sa braso nito. Tila sasakit nanaman ang ulo ko sayo Megan. "We need to talk." Maiksing sabi ko rito tyaka ako nag tuloy tuloy sa library ng bahay ko. Sumunod ito