Ruby POV: Isang linggo narin ang lumipas ng makalabas na ako ng hospital. Sa bahay muna ako ng parents ko tumira dahil yon ang gusto nila. Naintindihan naman yon ni Jacob at araw araw niya akong dinadalaw sa bahay. Araw araw din niya akong binibigyan ng magagandang bulaklak. Nasa garden ako ng mga oras na yon at umiinom ng chamomile tea na gawa ng mama ko. Nakakarelax kasi ito kaya napapadalas din ang pag inom ko habang nag a unwind sa malaking garden ni mama. Oo kay mama ang gardern nato dahil mahilig siya sa bulaklak. Napagalaman ko din na may flower shop si Sofie kaya inaaya ako minsan ni mama na tumamabay roon dahil si Sofie na mismo ang supplier niya ng ibat ibang magagandang bulaklak. Natuwa namana ako dahil sa mabilis kong nakasundo si Sofie. Mabait ito at sadyang napakaganda.