Sofia POV: Nagising ako dahil sa ingay ng mga anak ko at pagtatalon talon nila sa kama namin ni Nikko. "Hey Mommy wake up" paulit ulit nilang sabi habang tumatalon sa malambot na kutson. "Wake up Mommy." Ulit nila. Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko si Nikko na nakatayo sa gilid ko at may dalang isang tray na puno ng pagkain. Naamoy ko ang amoy ng mabangong pancake. Meron ding sausage, corn beef at hot milk. Napangiti ako sakanila. Umupo na ako at inayos saglit ang buhok ko at tsaka ako sinugod ng mga anak ko at niyakap ako. "Hmmmm ang sweet naman ng mga babies ko." Sabi ko habang isa isa ko silang hinalik halikan sa pisnge. "Mommy kami ang nagprepared ng breakfast mo. Ahm we ate na ang tagal mo kasing gumising eh." Pasupladong sabi ni Adam. Manang mana talaga ito sa papa niya