Natulog nga sila sa iisang kama pero walang nangyari. Malaki ang respeto sa tatay ni Aryanna. Napakalaki ang paghanga rito dahil sa dalawang araw na paglalagi sa probensiya ng mga ito ay nakilala niya ng mabuti ang pamilya ng babae. Mataas ang pagpapahalaga ng mga ito sa dignidad at tanging silang magkapatid lamang ang kayamanang maituturing ni mang Armando at aling Rina. Kaya igagalang niya si Aryanna hanggang handa na silang tahakin ang daan patungo sa pag-aasawa. Dahil kay Aryanna ay natuto siyang magtino. Hindi na siya nagpupunta sa bar upang makahanap ng babaeng paglalabasan ng init niya sa katawan. Naging abala sila sa mga sumunod na araw at buwan lalo na at talagang hands on siya sa mga kliyente nila dahil talagang pinangatawanan ang pangako sa mga ito. Kahit papaano ay nagbubung