Ilang ring din bago nito sagutin at nang malamang nasa pinakamalapit na klinika ay agad na hinila si Aryanna. Tahimik silang dalawa dahil sa mga nangyari. "Galit ka ba? Tanong rito. "Bakit ka ba kasi nagpunta? I told you, kababata ko?" Hindi mapigil na banas rito. "Sabi mo babae?" "Oo, si Christina. Nagbanyo lang noong makita mo kami, kasama kasi niya ang kuya nito." Inis pero hindi maitudo dahil iniisip ang kalagayan ni Marg. Muling namayani ang katahimikan. "Okay lang kaya siya?" Hindi mapilang bulalas ni Aryanna. "Sana, I feel guilty," malungkot na boses ni Kiel. Maya-maya ay mabilis na tinawagan ang dalawang kapatid at sinabi ang nangyari. Nahirapan silang hanapin ang klinika kaya inabot sila ng halos isang oras dahil umikot-ikot sila. Pagdating ay halos kararating lang d