Si Kiel na rin ang sumuko. Naisip niyang wala namang mangyayari kung makikipagmatigasan siya kay Aryanna. Gaya nga ng sabi ng tatay nito, matigas ang ulo nito. Kung ano ang gusto ay gagawin nito. Kaya ng hindi pagpasok sa klase upang matulungan ang pamilya nila. Ngumiti si Aryanna. Kahit papaano ay maayos na silang dalawa ni Kiel pero doble ang kabang naramdaman ng malamang sasama ito. Natatakot siya sa maaaring mangyari pero gaya ng kuya nitong si Lance ay sapat na ang limang taon upang tuluyang makamit ang hustisya para kay Bruce. Matagal na raw pinag-aaralan ng mga alagad ng batas ang lugar nila at ang bawat kilos ng mga sindikato. Masyadong matao ang lugar at hindi alam kung sino-sino kaya isang entrapment ang inihahanda nila. Siya bilang pain. Kapag nakitang positibo na sila ay sak