ANG PAGBABALIK
"Tara na! Um-oo ka na kanina, e!" aya ni Lily.
Nanatili namang nakahiga si Amanda sa sahig, sa tabi ng anak na naglalaro.
Pinagmasdan siya ni Lily, at nang hindi pa din ito kumikilos naupo siya sa tabi nito. Tinapik nito ang balikat ng kaibigan.
"Ano, magmumukmok ka na lang dito?"
"Hindi naman, sumama lang talaga ang pakiramdam ko," pagdadahilan ni Amanda. Ang bigat ng katawan niya. Wala siyang ganang kumilos.
Sa loob ng ilang mga taon, dala-dala niya ang bigat na iyon. Pasan-pasan. Pero nang makita niyang muli si Kevin Franco parang nadagdagan pa yata ang pasanin niya.
May pumatak na luha sa kaniyang mga mata.
"Nauna naman nang sinabi sa'yo ni Camila na galit pa din siya, di ba? Sabi mo pa expect mo na iyon."
Inasahan naman niya talaga iyon. Nasaktan lang siya kanina nang makita niya si Kevin Franco at hindi man lang talaga nito naitago ang galit nito sa kaniya. Masama siya nitong tinignan, sa harapan nina Kevin, Camila at Lily.
Ilang taon na ang lumipas pero galit na galit pa din ito sa kaniya. Kulang na lang patayin siya nito sa mga titig niya.
Napatingin siya sa kaniyang anak. Paano ba niya makakausap ang lalake ng maayos? Paano nito masasabi kay Franco na nagbunga ang ginawa nila? Ginawa lang pala niya.
Mariin siyang napapikit nang makaramdam siya ng kakaiba sa kaniyang sarili. Nandidiri, nagagalit siya sa kaniyang sarili dahil nagpadalos-dalos siya noon.
She's the one to blame. Malandi siya. Mana siya sa kaniyang nanay na mang-aagaw. Ito ang nasa kaniyang isipan.
"Hindi mo siguro noon ginalingan," biro ni Lily sa kaibigan.
Ngumiwi si Amanda. "Lily, nandito ang anak ko. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan," babala nito.
"Hindi nga kasi natin 'to dapat pinag-uusapan dito. Sa bar dapat! Tara na! Manlalake na lang tayo."
Tumayo si Lily at hinila ang dalawang kamay ni Amanda para itayo ito pero nagpabigat siya.
"Bebe, gusto mo ba ng daddy?" tanong ni Lily kay Divine.
"Yes po!" agad namang sagot ng bata.
"Tara, dali! Tulungan mo akong itayo ang mommy mo. Hahanap kami ng daddy mo."
Mabilis namang tumayo si Divine upang tulungan ang kaniyang Tita Lily.
"Mommy, get up! You should go with Tita Lily and find me a daddy!" sabi nito sa ina.
Bumuntong hininga si Amanda at kusa na din itong tumayo.
Binilinan niya muna ang anak at ang yaya nito, bago siya nagbihis.
"DALAWANG oras lang tayo doon, huh?" pauna na niya kay Lily nang makapasok sila sa loob ng sasakyan. May driver at isang bodyguard silang kasama, binigay ni Camila ang bodyguard nito sa kaniya, nang lumipat na siya sa mansyon ng mga Antonio.
"Okay! Huwag kang tuod doon, huh? Kailangan nating lumandi. Nauubusan na tayo ng panahon," tugon naman ni Lily habang tinitignan ang mukha sa hawak na maliit na salamin.
"Hindi pa malalaglag sa kalendaryo ang mga edad natin, uy! What's the rush?"
"Oo, hindi pa, pero ang katas natin baka hindi na kakayanin. Mga ilang patak na lang tuyot na talaga tayo." Napalatak at napatawa na lang siya.
"Bawal ang KJ, Amanda," paalala ulit ni Lily sa kaniya.
"Hindi naman ako KJ. Si Camila lang ang KJ."
"Hindi naman kasi niya kailangang maglandi. Tayo iba. Kailangan nating gawin iyon."
Tumawa silang dalawa. Tinignan nila ang kanilang mga suot bago sila bumaba ng sasakyan at sabay rumampa ala-beauty queen papasok sa bar.
Sa bar counter sila naupo. Maghihintay doon ng lalake na lalapit sa kanila.
"Two margarita, please!" order nila sa barista. Tumango ang barista at agad ginawa ang kanilang order.
"Four shots of tequilla, clean no lime!" order ng lalake sa kanilang likuran.
Sabay silang magkaibigan na pasimpleng nilingon ang lalake. Nang makita sila nito matamis sila nitong nginitian.
"Hello, ladies!" bati nito.
Maarte silang kumaway. Nakipagkilala at nang i-serve ng barista ang kanilang mga order ay agad lumapit ang tatlo pang kaibigan ng lalake.
Nawala ang matamis na ngiti sa labi nina Lily at Amanda nang makita nila si Franco. May kasama itong babae na nakalingkis sa kaniya.
"Dude, I would like you to meet these beautiful ladies, Amanda at Lily."
Nakipagkamay ang dalawang lalake. Si Franco ay nanatiling nakatayo sa likod at hindi man lang sila pinansin. Ang atensyon nito ay nasa babaeng kasama.
Amanda sipped on her margarita at pinilit na ituon ang kaniyang atensyon sa tatlong lalake na nasa kanilang harapan. Ang isa ay nagpapakita ng interes sa kaniya.
Kung kanina game siya na makipag-flirt, ngayon wala na siyang gana. There's no way na papatulan niya ang kaibigan ni Franco!
After finishing their drink nag-aya si Lily na magsayaw, para na din maiwasan ang grupo nina Franco.
"Puntahan niyo na lang kami sa couch namin," sabi ng isa. Tanging tango lang ang sagot nila dito.
"Pogi sana nila kaso hindi puwede," bulong ni Lily nang makarating sila sa dance floor.
"Madami pang mas guwapo diyan," sabi naman ni Amanda. Nagsimula silang sumayaw. May ilang mga lalake ang lumapit sa kanila, nakipagkilala at hiningi ang kanilang numero. Pero parehas na silang nawalan ng gana. They politely turned them down.
Tinignan ni Amanda ang kaniyang wristwatch. Nakaisang oras na pala sila. Hihintayin na lang niyang matapos ang dalawang oras na sinabi niya kanina, pagkatapos ay aayain na niya si Lily.
"Lily?" Napalinga-linga siya. Nakaramdam siya ng inis nang mawala na lang ito bigla sa kaniyang tabi.
Nawala na lang itong bigla! Hindi man lang nagpaalam. Tumingkayad siya at tinignan ang mga tao na nagsasayaw sa dance floor, pero wala ito.
Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig. Tuluyan na siyang nawalan ng gana.
Umalis siya ng dance floor at bumalik sa bar counter.
Tiyak niyang sumama na naman si Lily sa isang lalake at baka nakikipag-make out sa kung saan mang sulok ng bar ngayon.
Ang bilis makabingwit ng babaitang iyon!
Ang ganda ng usapan na dalawa kami, pero iniwan ako sa ere!
Tumungga siya ng alak, pagkatapos ay um-order ulit siya ng panibago. Muling luminga sa paligid pero hindi pa din niya makita si Lily.
Nagtipa siya ng mensahe para dito. "May dala ka bang condom?" Ito ang s-in-end niyang mensahe kahit na ang gusto niya talagang sabihin ay "ang landi mo talagang babae ka! Kung saan-saan na lang?!"
Sa paghihintay hindi niya namalayang nakarami na agad siya ng nainom na alak. She shook her head when she felt a little bit dizzy.
When the barista served her drink, hindi na muna niya ito ininom.
Pumihit siya at hinanap ang couch na kinaroroonan nina Franco at mga kaibigan nito.
Kahit madilim at ilang metro ang layo nito mula sa kinauupuan niya, kapansin-pansin pa din ang kaniyang kaguwapuhan.
Guwapo na ito noon, pero ngayon mas lalo pa itong gumuwapo. Lumaki din pati ang katawan nito.
May katabi si Franco na dalawang babae. Ang mga kamay ng mga ito ay nasa hita ng binata. Napangiwi si Amanda.
She can't imagine Franco being a womanizer. Pinilig niya ang kaniyang ulo.
Unconsciously, pinulot niya ang baso na nasa kaniyang tapat at inisang lagok.
The other woman kiss Franco on his ears. May tila binubulong din ito sa lalake.
Nakaramdam ng inis si Amanda. Come on, Amanda! Wala kang karapatan sa kaniya. He's just the father of your daughter. Stop being so possesive! And hold on to yourself.
Huminga siya nang malalim at inikot ang upuan paharap sa bar counter. Nagulat siya nang makita niya si Lily na may mapanuksong mga ngiti sa labi.
"Oh, saan ka naman galing?!" masungit na tanong niya sa kaniyang kaibigan.
"May nakita lang akong kakilala!" nakangiti nitong sagot.
"Ayos ha! Basta mo na lang akong iniwan!"
Nagkamot ng ulo si Lily. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang nangyari sa kaibigan, kaya pinili na lang niyang hindi magsalita.
"So, nilabasan ka naman. Hindi ka na tuyot?" tudyo ni Amanda dito.
"Wala nga, e! Tinakam lang ako ng buset! Namasa tuloy ang kepyas ko!"
Malakas silang tumawa. Buti at maingay ang buong paligid. Walang ibang nakarinig ng sinabi ni Lily. Pero ang barista, hindi nila sure. Mukhang matalas ang pandinig nito dahil may multo na ngiti ito sa mga labi.
"Mukhang nagbago na talaga si Franco. Hindi na siya ang ating Kevin that got away."
Muling lumingon si Amanda sa gawi nina Franco kung saan nakatingin si Lily. Wala na ang dalawang babae na nakapagitna kanina sa kaniya. Iba na ang babaeng kasama nito.
"Ang landi!" asik ni Amanda. Nakaupo ang babae sa mga hita ni Franco.
"Mas malandi ka pa din, Amanda. Kung siya, hita lang ang inupuan, ikaw 'yung mismong anaconda niya ang inupuan mo," banat naman ni Lily.
Buset! Sapul na naman siya.
"Kung ako sa'yo, payong kaibigan lang ito, huh. Alam ko na wala sa ating tatlo nina Camila ang Martir Nievera. Pero, naisip ko lang. Kung may anak ako, siguro gagawin ko ang lahat para mabigyan ko ng buong pamilya ang anak ko."
"Mapapagod lang ako na maghabol kay Franco, Lily."
"Pero walang masama mag-try. Lapitan mo, sabihin mo sa kaniya ang tungkol kay Divine," udyok ni Lily sa kaniya.
"Baka hindi ko pa nasasabi tinaboy na niya ako."
"Subukan mo nga muna. Sige na. Nandito na din lang tayo. Tapos uuwi na tayo "
Uminom ulit si Amanda ng alak. Pampalakas ng loob. Para maging manhid siya sakaling ipagtabuyan siya ng lalakeng abot langit ang galit sa kaniya.
Inayos niya ang kaniyang itsura. Sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang mga daliri. Pagkatapos ay nagsimula ng humakbang papunta kay Franco.
Napansin agad siya ng mga kaibigan ni Franco. Samantalang ang lalake na sadya niya ay nasa babae na nasa kandungan ang atensyon.
"Hey there! Where's Lily?" tanong ng kaibigan ni Franco nang makalapit siya ng tuluyan.
Tinuro niya ang bar counter kung nasaan ang kaniyang kaibigan habang ang mga mata ay hindi na maalis-alis kay Franco.
Natahimik ang mga kaibigan ni Franco. Napagtanto nila na magkakilala ang mga ito.
"Franco, puwede ba tayong mag-usap?" Nilakasan niya ang kaniyang boses para siguradong marinig ng lalake, pero hindi man lang siya tinignan. Hinalikan nito ang babae sa kaniyang tainga. Napatili ang babae at malanding humagikgik.
Naikuyom ni Amanda ang kaniyang kamao.
"Franco!" tawag niya dito, this time mas malakas pa ang kaniyang boses. Pero hindi pa din siya tinitignan ng lalake. Nakipaghalikan pa ito sa babae.
Nag-iwas ng tingin si Amanda. Gusto siyang ipahiya ni Franco.
Kaysa magmukhang tanga pinili na lang niyang umalis. Lumunok siya at pinigilan ang mga luha na malaglag sa kaniyang mga mata.
Sumosobra na talaga ang lalake!
Nakita ni Lily ang nangyari kaya agad na niyang nilapitan ang kaibigan para makauwi na sila agad.
Wala silang mga imik hanggang sa makauwi na sila.
Amanda cried the whole night. Iniyak niya ang lahat ng kinikimkim niyang galit, sama ng loob sa kaniyang dibdib.
Bukas, hindi na ako iiyak. Bukas wala na akong pakialam pa sa'yo. I won't dare ask you for forgiveness. Hindi ko din sasabihin sa'yo ang tungkol sa ating anak. Bahala ka na lang na umalam nito.
PAGKATAPOS ng kasal nina Camila at Kevin, napag-isipan ni Amanda na kailangan na din niyang magkanobyo. Ayaw niyang tumanda na mag-isa sa buhay, dahil kalaunan, kapag lumaki na si Divine at magkaroon na ng sariling pamilya maiiwan siyang mag-isa.
Pangarap nila noon ni Camila ang magkaroon ng malaking pamilya. Gusto pa niya ng anak, kahit dalawa pa.
Kahit masakit ang kaniyang ulo dahil sa dami ng nainom kagabi sa mansyon ng Antonio, pinilit niyang bumangon ng maaga.
Nagluto siya ng almusal para sa anak. Hinatid niya ito sa school bago siya pumasok sa shop.
"Ano'ng oras kang nagising?" tanong niya kay Lily. Nauna pa ito sa kaniyang pumasok.
"Maaga," maiksing sagot sa kaniya ni Lily. Mula kagabi pansin niya ang pananahimik nito.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya dito.
"Oo. Nga pala, gusto mong mag-bar mamaya?" tanong ni Lily.
"Aayain nga din sana kita. Manlalake tayo," nakangisi niyang sagot.
"Ayos!" Nakipag-apir pa sa kaniya si Lily.
"Mabuti naman at nakapag-isip ka na. Wala kang mapapala sa paghihintay kay Franco, kahit siya pa ang ama ng anak mo. Hanggang ngayon hindi pa din ata nakapag-move on sa kapatid mo. Ang bitter ng lolo mo!"
"Huwag na natin siyang pag-usapan pa, Lily. Masisira lang ang araw natin." Hinarap na din niya ang sarili niyang trabaho. Gusto niyang maging progressive sa buong maghapon.
Naalala niya si Camila. Lagi itong positibo, kaya sobrang successful nito ngayon.
Before lunch nagpadeliver siya ng paboritong pagkain ni Divine. Dinamihan na din niya ang kaniyang order para makakain din ang ibang staffs.
Habang kumakain sila biglang dumating si Kevin Darius. Namutla si Amanda nang makita niya ang lalake. Napatingin siya sa labas ng shop pero wala siyang nakita na kasama nito.
"Relax," sambit ni Darius. Nginisihan niya ito.
"Hindi ko sasabihin sa kaniya."
"S-Salamat. Ano pala ang ginagawa mo dito?" Inabot ni Darius ang bitbit niyang malaking paper bag kay Divine.
"Wow! For me po?" Tumango si Darius.
"Is he my daddy, Mommy?" Ngumiwi sina Amanda at Darius.
"Hindi, Anak. He's your tito Darius."
"Wow! May Tito na ako!"
"Thank you, Tito!" Niyakap nito si Darius.
"Akala ko ikaw na ang nahanap ni mommy na maging daddy ko." Humagikgik ito. Humalakhak naman si Darius.
"Makikilala mo din ang totoo mong daddy. Sa ngayon, loading pa," bulong ni Darius. Tumikhim ito at tumingin kay Lily pero hindi man lang siya tinapunan ng tingin ng babae.
Tumayo si Lily at naglakad papuntang opisina. Sumunod naman sa kaniya si Darius na kinanganga ni Amanda.
Mauunahan pa ata siya ni Lily.
KINAGABIHAN nasa bar ulit sila ni Lily. Kanina pa ito panay tungga sa alak. Hindi nagsasalita. Hindi man lang sinasagot ang mga tanong niya.
Nilabas ang kaniyang celphone mula sa pouch na hawak, nang mag-vibrate ito. Nakaramdam siya ng kaba nang makita niya ang pangalan na nakarehistro sa kaniyang screen.
Ang yaya ito ni Divine.
"Hello, bakit?"
"M-Ma'am!" Pumalahaw ito ng iyak.
"Ano iyon?!" Napatayo siya at naglakad na palabas ng bar para magkaintindihan sila ng kaniyang kausap.
"Ma'am, nawawala po si Divine!"