NAWAWALA

2125 Words
"Ano?!" "Ma'am, nawawala po si Divine. Hinalughog na po namin ang buong bahay pero hindi po namin siya mahanap," taranta at umiiyak na paliwanag ng yaya ni Divine sa kabilang linya. Dumiretso sa sasakyan si Amanda, hindi na niya kailangang tawagin si Lily dahil nakasunod din ito sa kaniya. "Uuwi na po ba tayo, Ma'am?" tanong ng Driver sa kaniya. Tango lang ang kaniyang sagot. Nanginginig ang katawan niya. Hindi makapagsalita at hindi din makaiyak sa labis na pag-aalala sa kaniyang anak. "Ano'ng nangyari?" tanong ni Lily. "N-Nawawala daw si D-Divine..." "Oh my God!" Ang unang pumasok sa isipan ni Lily ay ang nangyari noon kay Rehan. Sunod ay ang nakakaawang sinapit ni Camila. Hindi na lang niya ito sinatinig dahil hindi ito makatutulong sa sitwasyon. "Pakibilisan po, Manong!" utos ni Lily sa driver. Napakamot ng ulo ang driver dahil naipit pa sila sa traffic. Hindi mawala ang malakas at mabilis na kalabog ng dibdib ni Amanda. Ang anak niya. Saan kaya ito nagpunta? Pagdating nila sa bahay, agad siyang sinalubong ng apat na katulong. Umiiyak ang mga ito at halos sabay-sabay na nagsasalita. "Ano ba ang nangyari?" natataranta at naiiyak na tanong ni Amanda. "Nag-star gazing po siya sa may garden, Ma'am. Tapos po, nanghingi siya ng cookies at gatas kaya nagpunta po ako ng kusina para magtimpla ng gatas at kumuha ng cookies. Pagbalik ko po ng garden, wala na siya." Pumalahaw ng iyak ang yaya nito. "Wala po siya kahit saan. Nahalughog na po namin ang buong bahay." "Nagpunta din po kami sa mga kapitbahay baka nakipaglaro siya sa mga bata doon, pero wala po siya doon." Tuluyan nang naiyak si Amanda. Nanghihina itong napaupo sa sofa. Gusto niyang tawagan si Camila upang magpatulong kay Kevin pero nasa honeymoon ang mga ito. Napahilot din ng noo si Lily. Sira ang cctv sa may gate. Bukas pa pupunta ang mag-aayos. "Makisuyo tayo sa bahay sa tapat. Baka nahagip sa cctv nila si Divine," sabi nito kay Amanda. Sabay silang tumayo at lumabas ng bahay at nagpunta sa kapitbahay Pero gaya sa cctv nila sira din daw ito. "Divine, Anak!" Malakas na napahagulgol at halos maglupasay na sa daan si Amanda. "Dios ko po! Ang anak ko!" Nag-report sila sa pulis, pero mas lalo lang bumigat ang kanilang kalooban dahil twenty four hours daw bago madeklara na missing ang isang tao. "Bata lang siya! Hindi niya ugali ang lumabas ng basta-basta!" "Kaya nga po, Ma'am, na dapat hindi kinaliligtaan ang mga bata. Dapat binabantayan ng maigi," pabalang din na sagot ng babae na pulis. Gigil na gigil sila. Bago pa lumala ang sitwasyon, umalis na lang sila sa prisinto. Umuwi sila na bagsak ang mga balikat. "Lily, baka may number ka ni Darius. Tawagan mo nga siya, please?" Napakamot si Lily. Ayaw pa man din niyang makausap ang lalakeng iyon. Pero para kay Divine tinawagan niya ito. Alam niyang malaki ang maitutulong nito sa paghahanap sa pamangkin. Namutla siya nang sagutin ang tawag niya, pero agad din niyang pinutol ang tawag. "Ano'ng nangyari?" tanong ni Amanda. "Ah... N-Nasa party ata iyon ngayon," sagot nito. "Kung si Franco na lang kaya ang lapitan natin?" suhestyon ni Lily. Agad umiling-iling si Amanda. "Huwag. Tiyak na mas lalong magagalit sa akin iyon. Baka sabihin pa niyang pabaya akong ina at baka mauwi pa kami sa korte para sa sole custody ng bata." "Sabagay." Sa tindi ng galit ni Franco para kay Amanda hindi malabo na mangyari iyon. Galit at kinasusuklaman nito si Amanda. Tapos malalaman pa nito na may anak sila tiyak na kukunin nito ang bata. "Paano kung nasa kaniya pala si Divine?" nanlalaking mata na tanong niya kay Amanda. "Imposible, wala pa naman siyang alam. Maliban na lang kung nagsabi na sa kaniya si Darius. Tawagan mo nga ulit," utos niya kay Lily. Gusto niyang makasigurado na wala itong sinabi sa kaniyang kapatid. "Ikaw na lang ang tumawag," sabi ni Lily. Kinuha niya ang celphone ni Amanda saka tinipa doon ang numero ni Darius. Bago pa niya ito mapa-ring, nag-ring ang celphone ni Lily. Tumatawag si Darius. "Sagutin mo na," utos ni Amanda dito. Sinagot ni Lily ang tawag. Hindi ito nagsalita. Hindi din naman dinig ni Amanda kung ano ang sinasabi ni Darius. "Whatever," sagot ni Lily. "Pinapatawagan ka ni Amanda sa akin. Huwag kang assuming." Napanganga si Amanda. May something ang dalawang ito. Pero wala siyang panahon para alamin kung ano ang namamagitan sa dalawa. Nakisingit siya. "Darius, nawawala si Divine." "s**t! How and when?" agad na tanong ni Darius. "Where are you?" "Nandito kami sa bahay." "Okay. Papunta na ako diyan." Habang naghihintay palakad-lakad si Amanda. Madaming mga bagay ang naglalaro sa kaniyang isipan. What if na-kidnap ito? Napaluhod siya sa sahig at muli na namang umiyak nang malakas. Dinaluhan siya ni Lily. Pilit na pinapakalma ng kaibigan. It didn't take long, Darius arrived. Sinabi ng katulong dito ang nangyari. "Wala ka bang napansin na kakaiba kanina. Wala kayong napansin na tao n umaaligid?" tanong nito. Umiling ang mga tauhan at kasambahay. Wala silang napansin. Nilabas ni Darius ang kaniyang celphone. Tumawag siya sa mansyon. "Si Franco?" tanong niya sa isang kasambahay. "Wala po, Sir. Kaninang hapon pa po umalis, hindi pa po bumabalik." Pinutol ni Darius ang tawag at sunod niyang tinawagan si Franco, pero hindi ito sumasagot. "Umamin ka nga sa akin. Sinabi mo ba sa kaniya?" tanong ni Amanda. Nakaramdam siya nang galit para kay Darius. "No. Wala akong sinasabi sa kaniya." "Pero bakit sa kinikilos mo parang alam mo na kinuha ni Franco si Divine." Bumuntong hininga si Darius. Lagi na lang siyang napagbibintangan. "You can't hide that from him for a long time, Amanda. He must have figured it out. Kung nagkaroon man siya ng idea, it wasn't because of me. Baka kay Kevin." Napahilot ng sentido si Amanda. Baka nga alam na ni Franco ang totoo. Sumasakit ang kaniyang ulo. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya. Kung ikakatuwa ba niya o ikakainis na alam na ni Franco ang tungkol sa kanilang anak. Paano kung nasa kaniya nga si Divine pero hindi na nito ibabalik sa kaniya? "Bukod sa mansyon? Saan kaya siya maaring tumuloy?" tanong nito kay Darius. "May condo iyon, e. Malapit lang iyon dito," sagot ni Darius. "Puntahan natin." Pinag-drive sila ni Darius hanggang sa condo ni Franco. Nagtanong sila sa receptionist, pero sinabi nito na hindi pa umuuwi doon si Franco ilang araw na. "Paano kung nilayo na pala niya si Divine?" umiiyak na tanong ni Amanda. Hindi niya kakayanin iyon. "E, di, isumbong mo kay daddy at kay Camila. Takot iyon sa mga iyon." "Sana nga nasa kaniya si Divine. Kahit paano nasa maayos na lagay ang bata," sabi ni Lily. Malakas ang kutob nina Darius at Amanda na na kay Franco ang bata. Kinuha niya ang numero ni Franco at sinubukan itong tawagan pero hindi sumasagot. Maging si Lily ay tinawagan din ito pero hindi sumasagot. Inabot na sila ng ilang oras pero hindi talaga nito sinagot ang mga tawag nila. Doon lumakas ang duda at kutob nila na ito ang kumuha sa anak. "Matulog ka na lang muna. Bukas, baka umuwi iyon ng mansyon," sabi ni Darius. Umiling si Amanda. "Paano ako matutulog na wala ang anak ko sa tabi ko? Divine! Walang hiya ka, Franco! Saan mo dinala ang anak ko?!" Tahimik sina Darius at Lily habang patuloy sa pag-iyak si Amanda. Hindi na nagri-ring ang numero ni Franco. Mukhang low bat na ito o di kaya'y pinatay nito ang celphone. Wala silang tulog. Dinamayan nila si Amanda. Nang mag-umaga na, nagpasya na silang magpunta ng mansyon. Nagulat pa ang Don nang makita ang dalawang dalaga. "Alin sa kanila ang magiging manugang ko, Anak?" biro ng Don kay Darius. Hindi nakasagot si Darius dahil agad na nagtanong si Amanda sa Don. "Nakauwi na po ba si Franco?" tanong nito. Natahimik ang Don at napaisip saglit. "Hindi pa yata, Amanda. Bakit?" May pagtataka niyang tanong dito. Napatingin siya sa kaniyang anak. Hindi alam ni Darius kung paano at saan sisimulan ang kuwento. Tiyak na madaming ibabatong tanong ng matanda. Matutuwa din ito kapag nalaman na may apo na siya kay Franco. Hindi din naman sumagot si Amanda. Patuloy ito sa pag-iyak. Tinawag ni Don si Manang at nagpahanda ng mainit na tsokolate para sa kanilang apat. "Ano ba'ng nangyari?" tanong niya ulit pero tahimik ang taglo. Sumikat na ang araw pero hindi pa din dumadating si Franco. Hindi nila batid kung dadating nga ba ito. Tinawagan ng Don ang numero ng kaniyang anak pero hindi ito nag-ri-ring. "Tell me, hija. Ano'ng ginawa sa'yo ng anak ko?" tanong ng Don. "Nabuntis ka ba niya? Huwag kang mag-alala ako ang bahala sa kaniya." Hindi makasagot si Amanda. Hindi niya magawang magkuwento. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Nag-aalala na din tuloy ang Don. Nahihiwagaan din siya kung ano ang problema ni Amanda at bakit nito hinahanap ang bunsong anak. Napahilot siya ng kaniyang sentido. Ilang sandali pa ay nakarinig sila ng andar ng sasakyan. "Siya na ata iyan," sabi ni Lily. Tumayo sina Amanda, Lily at Franco. Napatayo din tuloy ang Don at sinundan ang tatlo sa paglabas ng bahay. Papasok pa lang ng maindoor si Franco nang salubungin siya ni Amanda. "Nasaan si Divine, Franco?" agad na tanong ni Amanda. Kumunot ang noo ni Franco. Lalagpasan na sana niya ito at hindi papansinin na gaya ng ginagawa niya, pero humarang si Amanda. "Nasaan ang anak ko, Franco!" sigaw nito. Bumuntong hininga si Franco. "I don't know what you're talking about," malamig na sagot nito. "Huwag mo siyang itago! Base sa reaksyon mo may kinalaman ka sa pagkawala niya. Ibalik mo ang anak ko!" Malamig siyang tinignan ni Franco. Tinignan din nito ang mga kasama nila. Sinabihan ni Don ang mga kasama na iwanan na muna ang dalawa para makapag-usap. "Nasaan si Divine? Wala kang karapatan na kunin siya sa akin. Alam mo ba na kidnapping ang ginawa mo?" Pagak na tumawa si Franco. "So, you'll gonna file a lawsuit against me, huh?" Napaawang ang bibig ni Amanda. "Kung hindi mo siya ibabalik sa akin, idedemanda talaga kita!" banta niya. Ngumisi si Franco. "May ebidensya ka, na nasa akin nga siya? At ikaw pa ang naghamon ng demandahan. Kung ikaw din kaya ang idemanda ko sa ginawa mo sa akin noon?" Napalunok si Amanda. Ano namang ikakaso nito sa kaniya? Namula ang kaniyang mukha. Kakasuhan siya ng rape dahil sa ginawa niya dito? "Franco, nagmamakaawa ako sa'yo. Ibalik mo ang anak ko. Hindi ko naman siya ipagdadamot sa'yo. Kailangan niya ang mommy niya, Franco." "Ibabalik ko siya sa'yo kung kailan ko gusto, Amanda." Nanlaki ang mga mata ni Amanda. Hindi puwede ang gusto nito. At kailan naman nito planong ibalik sa kaniya ang anak niya? "Please, gumawa na lang tayo ng kasunduan. Ipapahiram ko sa'yo si Divine basta sa mall o dito lang kayo sa mansion. Hindi puwede iyang sinasabi mo." Umiyak nang malakas si Amanda. "Alam ko matindi ang galit mo sa akin pero huwag mo naman akong parusahan ng ganito, Franco. Si Divine ang buhay ko." "Hanggang ngayon ang hina mo pa ding umintindi, Amanda. Ibabalik ko naman sa'yo ang bata!" "Pero kailan iyon, Franco? Nasaan siya? Saan mo siya dinala? Franco! May ginawa ka bang masama sa bata? My God!" "Huwag mo akong pag-isipan ng masama, Amanda. Kung may masama dito, hindi ako iyon kun'di ikaw." Naumid ang dila ni Amanda. Hindi makapagsalita sa banat ni Franco sa kaniya. "Umalis ka na. Ibabalik ko sa'yo ang anak ko kung kailan ko gusto." Kinumpas nito ang kamay at animo'y, isang aso o pusa ang kaniyang tinataboy. Pero hindi nito mapapaalis si Amanda. Sinundan nito si Franco. "Hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi kung nasaan ang anak ko. Idedemanda talaga kita, Franco!" Sumbatan siya nito. Sabihan ng masama. Tatanggapin niya, pero hindi siya aalis hangga't hindi niya nakikita ang kaniyang anak. "Franco, what is this all about?" Sumingit na ang Don. Narinig niya ang sigawan ng dalawa sa labas. Hindi niya kukunsintihin ang ginawa ng anak, kahit may mabigat pa itong dahilan. "Sir, tulungan mo po ako. Kinidnap po niya ang anak ko," sumbong ni Amanda kay Don. "Anak ko din siya, Amanda. May karapatan ako sa kaniya." "Pero basta mo na lang siyang kinuha sa bahay! Hindi ka man lang nagsabi sa akin!" "Paano ako magsasabi sa'yo? Busy ka sa pagpa-party mo. Imbes na alagaan mo siya, nasa bar ka at nagpa-party." "Pero hindi pa din tama ang ginawa mo!" "Ikaw sa tingin mo ba tama ang ginawa mo, huh?" sumbat ni Franco kay Amanda. "Mag-usap nga kayo ng mahinahon! Naguguluhan na ako sa inyo!" sigaw ng Don. Sumasakit na ang ulo niya sa sigawan at pag-aaway ng dalawa. "Franco, nasaan ang apo ko? Dalhin mo siya dito!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD