Nang matapos silang mag-usap, nagpasya sila na umalis na. Dahil malapit siya sa isang branch ng coffee shop, nagpasya siyang dumaan doon. Nasa tatlumpong minuto ang tinagal niya doon bago siya umalis. Sa ospital naman ang sunod niyang tinungo upang kumustahin ang rider na naaksidente. Nagdala siya ng prutas at mga ilang pagkain para dito. Hindi siya agad umuwi. Hinintay niya na matapos na maghapunan sa mansyon bago siya umuwi. Kaso naipit siya sa trapik kaya alas-dies na ng gabi nang makarating siya sa mansyon. Bitbit ang pagkain na t-in-ake out, umakyat siya sa pangalawang palapag ng mansyon. Dahil galing siya sa labas, pinili muna niyang maligo bago puntahan ang kaniyang anak sa sarili nitong kuwarto. "Goodnight, baby. Bawi ako sa'yo sa weekend." Hinalikan niya sa pisngi