KABANATA 67 OB-GYNE NGAYON ang araw ng check up ko sa Ob-gyne. Malakas ang kabog ng dibdib ko pagkat unang beses ko ito at kasama ko pa si Tunner. Tuloy ay imbes na mag-relax ako'y mas lalo akong kinakabahan paano'y iba na ang tingin ng ilang buntis sa katabi ko. Kahit pa kasama nila ang kani-kanilang mga asawa ay hindi pa rin nakaligtas sa'kin ang palihim nilang tingin kay Tunner. Para simpleng T-shirt na white at black trouser na binagayan lang ng puting sapatos ay malakas na ang dating n'ya. He look so very expensive and hot while sitting next to me. Kung pwede ko lang silang pandilatan isa-isa ay baka kanina ko pa ginawa kanina pa. Kaya ang tangi ko lang magagawa ay ang higitin ang braso n'ya palapit sa'kin at humilig sa balikat n'ya. Lihim naman akong napangiti nang maramdaman k