KABANATA 68 PREPARATION GAYA nang binilin ko kay Romeo at Savinah, sila ang umasikaso ng gaganaping party para kay Tunner. Dahil hindi ako pwedeng mapagod ay hinayaan ko na lang din sa kanila ang lahat. Binigyan ko na lang sila ng list kung sino ba ang mga dapat imbitahan sa gaganaping party. Isa pa, busy ako sa ilang trabaho dito sa opisina. Halos hindi na rin ako tumatayo sa dami nang dapat tapusin na papeles para pirmahan. Dahil ilang linggo rin akong hindi pumasok kaya't nagkanda patong-patong ang trabaho ko. Isa pa marami akong meeting na nare-schedule dahil sa bakasyon ko kaya't panay rin ang labas ko ng opisina para harapin ang mga ito. Isa na nga dito ang malaking kompanya na handang sponsor-an ang mga susunod na proyekto ng Red Bliss Apparel. Plano na ring ng kompanya kasi a