KABANATA 69 VIDEOCALL BAgo dumating ang Linggo ay bumalik akong mag-isa sa aking Ob-gyne upang alamin ang gender ng aking dinadalang sanggol. Hindi man 100 accurate ang resulta ay tinanggap ko ang resulta ng Ob-gyne. Lalaki raw ang magiging anak namin ni Tunner. Hindi ko mapigilang maluha sa naging resulta ng test. Tiyak na matutuwa si Tunner kapag nalaman n'ya na lalaki ang magiging unang anak n'ya. "Congrats, bestie!" Niyakap ako nang mahigpit ni Savinah nang ipaalam ko sa kaniya ang gender ng magiging anak ko. Siya pa lang ang sinasabihan ko dahil siya ang nakatoka sa pag-aayos ng event habang si Romeo naman sa mga guests. "E, Kailan naman daw ang uwi ng asawa mo?" Tumaas ang kilay n'ya sa'kin habang sumusubo burger na in-order namin sa isang fastfood chain. "Sa linggo pa daw a