KABANATA 58 BALI INDONESIA KINAGABIHAN ay tumulak na kami patungong Bali Indonesia. Sagot nila Romeo, Seb, at Savinna ang ticket namin maging ang hotel na gagamitin namin para sa isang linggo na bakasyon. Sinabihan ko agad si Monic at Samantha na may business trip ako at hindi ko na sinabi kung saan pagkat ayokong mabutasan agad ni Luke kapag nalaman niyang kasama ko si Tunner habang nasa pangangalaga n'ya ngayon si Katarina. Hanggat maari ay ayokong banggitin or magtanong ng tungkol kay Katarina. Sa tingin ko kasi ay wala na rin saysay na pag-usapan pa siya. Una, kung talagang may relasyon sila at totoo an lahat nang nakita ko noon sa silid ni Tunner ay wala sana ngayon siya dito. Hindi n'ya sana ako pinakasalan. Sinulyapan ko itong nakapikit na tila gumagawa nang tulog matapos mag