KABANATA 59 SWEET MOMENT NAGISING ako sa malamig na hangin na dumarampi sa aking balat. Kinusot ko ang mata at sinulyapan ang kulay puting kurtina na marahang hinihipan ng hangin. Isang ngiti rin ang sumilay sa mga labi ko at niyakap ang comforter sa katawan. Muli akong pumikit at ninamnam ang bango ng kumot at unan, maging ang simoy ng hangin mula sa bukas na bintana. Doon naman ako lumingon sa pinto ng silid nang bumukas 'yon. Agad na sumilip ang gwapong mukha ni Tunner mula sa pinto. His smile appeared like a sweet dew in this morning. May bitbit itong tray na may laman na breakfast. "Good morning, babe! How was your sleep?" Naupo ito sa gilid ng kama matapos ay nilapag sa side table ang dalang almusal. Dumukwang ito upang patakan ako ng halik sa labi. Agad naman akong umiwas pag