KABANATA 63 PABLO KINABUKASAN ay maaga akong nagising dahil sa masamang pakiramdam. Ilang beses pa akong nagpabalik-balik sa banyo para isuka ang nangangasim na sikmura. Minabuti na lang ni Tunner na dalhin dito sa aking silid ang almusal at sinabayan ako. May lakad daw siya sa kabilang barrio ngayong araw para sa pag-aani ng mais. Ngunit kahit nagpaalam na siya sa'kin ay parang ayoko siyang umalis. Kanina pa kasi ako nakayakap sa kaniya habang inaayos n'ya ang pagtutupi ng manggas ng kaniyang long sleeve polo na suot. "Babe, kung huwag ka na kayang umalis?" Paglalambing ko habang halik-halik siya sa leeg. Ilang beses kong narinig ang mabigat niyang buntong hininga na tila hindi pa rin magkandatuto sa ginagawa. Ngumisi ako't humarap dito. Inagaw ko sa kaniya ang ginagawa at ako na m