KABANATA 64 TRUTH BAGO magdilim ay tumulak na kami patungo sa kabilang barrio sa bahay nina Mang Eduardo. Gaya ng dati ay namumutiktik sa ilang ang malaking puno na nasa likod ng bungalow nina Mang Eduardo. Habang sa kabilang puno kung saan nagdurugtong ang mga nakasabit na ilaw ay namataan ko na ang grupo nina Gardo at Vicente, maging ang ilang tauhan sa hacienda ay naroon na rin, at hindi ako makapaniwala na kasama na nila ngayon sa grupo si Pablo at Lito. "Sa wakas nandito na ang bagong kasal!" Malakas na sambit ni Gardo nang mamataan kaming papasok sa bakuran. Agad naman kaming sinalubong ng palakpakan at hiyawan. Hindi na nakatanggi pa si Tunner nang abotan ito ng baso ng alak matapos namin maupo. "Ibang klase ka talaga Teroy, akalain mong nasungkit mo ang puso nitong pangmalaka