Kinabukasan, maagang nagising si Ivory dahil maaga ring nagising si Ivo. Pinaarawan niya lang muna ang bata sa garden. Bukod sa iilang mga kasambahay ay hindi niya nakita si Sally. Maging si Xamuel ay hindi rin niya napansin. Iyong bisita nila, wala naman siyang pakialam. Bumuntong-hininga siya at tiningnan si Ivo. Humigpit ang yakap niya sa bata. Ewan ba niya, iba ang pakiramdam niya nang makita ang babaeng iyon kahapon. Bumuga siya ng hininga. Hindi niya talaga ma-gets si Xamuel. Alam niyang wala siyang karapatan sa pamilya nito pero natatakot siya para sa bata. Dahil ba hindi siya pumayag na magpakasal dito kaya pinatira na lang nito ang kakambal ng asawa dito? Ito na kaya ang gustong mapangasawa ni Xamuel? Nakagat niya ang labi nang makaramdam siya ng kirot sa kanyag dibdib. Hinali