Chapter 29

1514 Words

Ang bilis lumipas ng panahon. Totoo nga iyong sinasabi nila na kapag masaya ka ay parang hangin lang na lilipas ang mga araw. Parang kailan lang ay naghahanap lang naman ng trabaho si Ivory. Ngayon, nasa ikasiyam na buwan na siya ng pagbubuntis. Anytime now, lalabas na ang batang nasa tiyan niya. Bumuntong-hininga siya at hinawakan ang kanyang tiyan. Pinasadahan niya ng tingin ang buong kwarto ng baby. Napangiti siya. Punong puno na ang kwartong iyon mg mga laruan at gamit ng bata. Hindi nga niya namalayang napuno na pala nila ang kwartong iyon. Lahat ng gamit doon ay mula sa online shopping nila ni Xamuel. Minsan naman, nakikiusap siya kay Jasmin para bumili ng ibang gamit lalo na kung wala siyang magustuham sa online. Pinapakuha na lang ng driver ni Xamuel ang mga iyon sa opisina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD