Nakangiting pinagmamasdan ni Ivory ang kanyang tiyan. Napailing siya at hinagod hagod iyon. Ilang buwan na ang lumipas. Nasa ikapitong buwan na siya ngayon at bilog na bilog na ang kanyang tiyan. Mukha na nga siyang balyena sa laki ng kanyang tiyan. Napanguso tuloy siya. Noong isang beses ay umiyak pa siya dahil ang laki laki na niya. Wala naman talaga siyang pakialam sa pisikal niyang katawan noon pa pero hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang umiyak nang makitang lumalaki na siya. Isang buong araw nga siyang pinatahan ni Xamuel. He told her a lot of encouragements and stuff para hindi na siya maging conscious sa katawan niya. Tumahan din naman siya pagkatapos noon. Simula din ng araw na iyon ay palaging pinaparamdam ni Xamuel sa kanya na walang nagbago sa katawan ni