"Sa makalawa may check up ka…" Bumuntong-hininga si Ivory at marahang tumango. Haplos haplos ni Xamuel ang kanyang isang braso habang nakayakap siya rito. Nakasandal sa headboard si Xamuel habang nakayakap siya sa dibdib nito. "Hmm…" Mas lalo lang siyang napayakap dito. Naramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang buhok. Iniyakap din ni Xamuel sa kanya ang isa nitong braso. Tiningala niya ito. Sinalubong naman siya ng mga tingin nito. Lumunok siya. Gusto sana niyang magtanong pero wala pa man siyang sinasabi ay hinahalikan na siya nito ulit. Humalik siya pabalik. Bumalik na naman iyong nakakaliyong pakiramdam sa tuwing hinahalikan siya nito. He cupped her face again and pushed her to the bed. He deepened the kiss. Ikinawit niya naman ang mga kamay sa batok nito. Bumaba ang mg