Bumuntong-hininga si Ivory at humiga sa couch. Nasa sala na naman siya as usual at wala na naman siyang gagawin. Si Sally kasi ay nasa kusina at nag-aarrange ng mga grocery nila. Sinubukan niyang tumulong pero nakaamoy siya ng mabaho kaya bigla siyang nasuka. Hindi na lang siy pinatulong ni Sally. Napanguso siya at binalingan ang cellphone. Kinuha niya iyon at tiningnan ang facechat. Laking tuwa pa niya nang makitang online si Jasmin. Agad siyang bumangon at nag-indian sit sa couch. Ni-video call niya ito sa facechat. Ilang ring pa ay sinagot na ito ni Jasmin. "Friend! Hala miss na kita!" nakatiling salubong nito. Bahagya siyang natawa. Nakaupo ito sa isang monoblock at nakasandal sa dingding. Sumandal siya sa sofa. "Miss na rin kita! Pasensya na, Jas. Mahigpit kasi e. Tsaka komplikad